Chapter 17

0 1 0
                                    


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko matukoy kung dahil ba kinakabahan ako dahil ilang minuto na lang ay lalabas na ang resulta at wala akong kaalam alam sa takbo nito ngayon o dahil ba katabi ko ang lalaking gusto ko ngayon at ramdam na ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin kahit na hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam ko sa oras na magkonekta ang mata namin, makikita niya na hulog na hulog ako sa kaniya dahil sa kaniya na mismo galing... I'm transparent.

"Tutunawin ka 'ata ng crush mo," maya maya ay bulong sa akin ni Aaron kaya hindi ko napigilang lingonin ang lalaki na nahuli ko ngang nakatitig sa akin, tumikhim siya at umayos ng upo.

"May dumi ba ako sa muka?" tanong ko.

Nakapangbahay lang kasi ako, hindi rin maayos ang buhok ko at nakamessy bun pa. Wala rin akong nilagay na powder o lip gloss sa labi ko tapos kakatapos ko lang din maghugas kanina nang dumating si Aaron bago siya. Hindi naman ako nahihiya sa itsura ko dahil una sa lahat nakita niya na akong ganito noon at isa pa... komportable ako na ganito lang ako.

Hindi naman porque nandito 'yong taong gusto ko e magpapaganda na ako, edi nahalata na nagpapaganda ako pag andiyan siya.

"You... look dazzling." then, he smiled.

I gulped and look away then, I awkwardly laugh.

"Bolero!" singhal ko.

"Seriously. Simple but dazzling." his eyes is full of admiration.

My cheek heated.

"Yeah! Yes! Yes! Yes!"

Nagugulat na nilingon namin si Aaron nang napatayo siya at nagtatalon talon.

"Bakit? Ano? Lumabas na ang resulta?" tanong ni Mama na humahangos pa dahil galing sa kusina.

Masayang ngiti ang ginawad ni Aaron sa akin at nilapitan si Mama na agad namang napangiti.

"Panalo?" tanong ko kahit na alam ko naman na 'yon base sa ngiti nila.

Tumango si Aaron kaya agad ko siyang nilapitan at kinuha ang phone niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pininta ko at may edit na logo ito na winner! At ang pangalan ko na malalaking letra pa! Napahiyaw ako sa tuwa at agad na ipinalibot ang dalawang braso sa leeg ni Aaron. Magkayakap kami habang nagtatalon talon. Matapos no'n ay si Mama naman ang nilapatan ko.

"Panalo Mama! Yay!" parang batang usal ko at niyakap din si Mama.

Nakangiti kong binalingan si Silver na hindi maitago ang ngiti kahit na nakakagat labi na 'to. Wala sa sariling tumakbo ako sa kaniya at ipinalibot ko ang braso ko sa byewang niya at pinatong ang baba ko sa balikat niya. Ramdam ko na natigilan siya pero agad ding gumanti ng yakap.

"Thank you..." usal ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kaniya.

"Teka... 'yong puso ko," mahinang usal niya. Kumalas ako ng yakap at tinignan siya, "ang bilis ng tibok." bulong niya na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Hahawakan ko na sana ang dibdib niya upang ramdamin ang puso niya nang biglang may tumikhim na agad nagpabalik sa isip ko na may kasama nga pala kami!

Naging usap usapan ang pagkapanalo ko sa school pero mga positibo lang sinasabi nila. Hindi na rin naman nila hinalungkat ang tungkol sa issue ko noon na plagiarism. Nakatanggap ako ng prize na malaki na para sa akin at syempre ang certificate! Ang pinta ko na pinarangalan.

Tuwang tuwa si Mama at sobrang saya niya! Pinagmalaki pa nga niya ako sa mga kapit bahay namin na hindi nalang ipikit ang mata dahil sa pagka inggit ay kung ano ano na ang sinasabi ngunit masyado kaming masaya at positibo para magpaepekto.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now