Chapter 24

6 1 0
                                    

Lumipas ang araw at papalapit na ang graduation namin, exam for fourth quarter na lang ang hinihintay namin at card day. Naging busy kaming dalawa ni Aaron sa pag-aaral nitong mga nakaraang araw. We study while eating a snack in breaktime, while eating lunch at lunchtime. Pumupunta rin kami sa library kapag uwian na ng hapon at humihiram ng libro tungkol sa napag-aralan namin.

"Darren.." hindi ko pinansin ang tumawag sa pangalan ko.

Hindi ko akalain na naghintay siya ng ganoon katagal para lang makausap ako. Nagtagal kasi kami ni Aaron sa library, sinadya namin para maghintay siya ng matagal at umalis kapag nagsawa pero hito siya ngayon at nasa harapan ko.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral para lang makalimutan ko siya. Sa nangyari noong valentine's night parang pinamuka sa akin ng mundo na hindi tama ang nararamdaman ko para sa lalaki. At isa pa, kaibigan ko na siya.. at hindi ako nag-bo-boyfriemd ng kaibigan.

Humarang siya sa harapan namin dahilan para tumigil kami sa paglalakad.

"Let's talk. Please?" he plead. Umamba siya na lalapit sa akin pero hinila ako ni Aaron at itinago sa likod niya.

"Ayaw ka niyang kausapin." si Aaron ang nagsalita sa matigas na boses.

"Let me explain." Silver said, not minding Aaron and just looking at me.

"You don't need to explain. It's okay. It's not a big deal." I said, faking a smile.

"Not a big deal?" he scoffed. "then why you're avoiding me? Why you ignored my messages?" aniya. Hindi natutuwa sa sinabi ko.

Wala naman akong balak na iwasan siya, wala naman akong balak hindi pansinin ang message niya, ang akin lang kailangan kong gawin 'yon para mawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Ngunit hindi ko inaasahan na ganiyan ang magiging reaksyon niya.

"Kasi.. busy ako." I said as I shrugged my shoulder.

"Just a second."

"Tumabi ka na diyan." sabi ni Aaron. Agad namang umalis sa daan si Silver at naglakad na kami palayo sa kaniya. Nilingon ko ang lalaki at pumintig ng masakit ang puso ko nang makita ko ang pagkabigo sa muka niya.

He make me confused.

Ang daming tanong ang namumuo sa utak ko dahil sa kinikilos at mga reaksyong nakikita ko sa kaniya. But maybe.. I'm just assuming things.

"Leah said Silver was with her that night. Tapos pupunta siya sayo para magpaliwanag? Magsisinungaling lang siya." Aaron ranted. Halata ang pagka-inis sa muka niya. "mabuti at nasabi na ni Leah sa atin." dagdag pa niya.

Tahimik na tumango na lang ako.

Noong isang araw ay lumapit sa amin si Leah, she said, she wants to talk to me but Aaron insisted to listen too na pinagbigyan naman niya para raw malaman din ng lalaki.

"Aaron tell what happened. I'm sorry, Darren, I didn't know that you two have a date that night. If I know.." she paused and sigh. "sana hindi na ako pumayag na maging date niya nang inaya ako.. I'm sorry."

Ang mga salitang binitawan ni Leah ang nagpapatatag sa akin na iwasan ang lalaking gusto ko kahit na gustong gusto ko siyang makita, makausap.

Ang sakit lang isipin na pumayag siya na maging date ko sa prom namin tapos malalaman ko na nag-aya siya ng ibang babae na maging date niya sa prom nila at hindi niya ako siniput. Hindi man lang niya ako sinabihan. Kahit i-chat lang ako na hindi na siya pupunta para hindi ako naghintay sa kaniya.

Sana ay tumanggi na lang siya sa akin.. sana hindi na naman ako umasa.

Ang tanga ko.

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaki, ang ginawa niya at ang ginagawa ko para makalimutan ko ang ginawa niya at mawala na ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang mga isiping iyan ang nagiging dahilan para hindi ako makatulog ng maayos sa gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now