Chapter 16

0 1 0
                                    

"Salamat dude! Maganda ka pala kasama! Nanglilibre! Sa susunod uli?"

Mabilis na bumaba ako sa motor ni Silver at inunahan siyang alisin ang helmet sa ulo ko. Umatras din ako at kay Aaron ko iniabot ang helmet imbes na kay Silver na siyang may ari nito. Hindi rin niya pansin ang biglaang pagbabago ko ng trato sa lalaki na siyang pinagpasalamat ko dahil kung sakali ay uulanin na naman ako ng tanong mula rito.

Silver nodded. "sure, anytime." sagot nito.

Maglalakad na sana ako papasok sa bahay namin pero napatigil ako nang maalala ko na hindi pa pala ako nakapagpasalamat kay Silver para ngayong araw. Para sa libring sakay at siya rin kasi ang nagbayad ng kinain namin kanina.

Humarap ako sa gawi ng lalaki pero sa sahig ako nakatingin. "salamat, Silver," sabi ko.

"Pleasure." sagot lamang niya.

Nagpaalam na si Aaron sa lalaki, hiniwakan niya ang kamay ko. Maglalakad na sana kami ngunit natigilan nang banggitin ni Silver ang pangalan ko.

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya, "b-bakit?" tanong ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa uri ng pagkakatingin niya sa akin.

"Can we talk?" alanganing sabi niya. Parang mahika ang salita niya at hindi pa man ako nakapag-isip ay nakatango na ako. Napatingin ako kay Aaron at ganoon din siya. Napatango naman si Aaron na parang naintindihan ang nais naming sabihin.

"Usap lang. Kuha?" saad niya na para bang may iba kaming gagawin maliban doon.

"Aaron!" nang aawat na sambit ko sa pangalan niya.

Nangiti naman siya, "chill. Segi, mag usap lang kayo,"

Nagpaalam na siya. Pinanood ko naman siya hanggang sa makapasok siya sa bahay nila saka ko hinarap si Silver na mukang kanina pa ako tinitignan. Kumabog ng malakas ang puso ko sa isiping 'yon.

"Uh.. Darren," he whispered my name huskily.

"Bakit?" tarantang tanong ko. I bit my lower lips to keep my self calm. Anong bang ginawa sa akin ng lalaking 'to?! Bakit ganito?! Wala pa naman siyang gingawa pero 'yong puso ko nagwawala na. Tinawag pa nga lang niya ang pangalan ko.

"Galit ka ba?" halos pabulong na tanong niya.

"H-Huh?" I confusedly uttered. Paano naman niya nasabing galit ako? E hindi naman.

"Sabi ko.. galit ka ba?

I shook my head. "Hindi! Bakit naman ako magagalit?"

He scratch his brow, "hindi mo kasi ako pinapansin kanina pa kaya akala ko galit ka. Galit ka nga ba?"

"Hindi. Wala ka namang ginawa."

"Baka kasi may nagawa akong hindi mo nagustuhan kanina... " then, he bit his lower lips.

Wala sa sariling napatitig ako sa mapula niyang labi pero mabilis ko ring inalis ang tingin kong 'yon. Nag uusap kami tapos pinagpapantasyahan ko siya.

"Hindi. Wala naman. Hindi kita pinapansin kanina kasi baka magalit ang girlfriend mo sa akin, you know, nasa paligid lang natin siya tapos kinakausap mo ako? Naku! Magselos pa 'yon sa atin. At isa pa ayaw ko rin ng gulo. 'Yon 'yon at hindi ako galit." umiling iling pa ako.

Nangiti siya na pinagtaka ko.

"At huwag mo akong ngitian ng ganiyan! Dapat sa girlfriend mo lang pinapakita ang maganda mong ngiti... huwag sa akin," palihim na napapikit ako dahil nagtunog bitter ako.

Kumunot ang noo nang marinig ko ang pagtawa niya. Napayuko naman ako at ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Nakakahiya!

"She's not my girlfriend."

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now