Chapter 22

4 1 0
                                    

Pareho kaming hinihingal ni Silver dahil sa pagtakbo papalayo kay Aaron. Naka-upo ako habang siya naman ay nakahawak lang sa tuhod niya at nakayukong naghahabol ng hininga.

Nasa likod kami ngayon ng Math Building. Dito kami napadpad sa kakatakbo at dito na kami nanatili dahil na-iligaw na namin si Aaron.

"He'll gonna find us sooner or later." he uttered and in front of me, copying how I sit. He smiled when I look at him.

Ngumuso ako, "bakit ba tayo tumakbo? Tsk." sabi ko.

"I don't know either." he answered and we both laughed.

"But it's fun." sabi ko.

"Yeah. Plus, I'm with you." dagdag niya.

Pareho kaming nag-iwas ng tingin sa isa't isa matapos niyang sabihin 'yon at binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Pero pareho rin namang may ngiti ang mga labi.

"Nauuhaw na ako, Silver." out of nowhere, I said because I feel my throat got dry.

"Me, too. Let's go. Maybe he's not finding us now." sabi niya at tumayo. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at masaya ko 'yong tinanggap. Tinulungan niya akong tumayo.

Akala ko bibitiwan na niya ang kamay ko matapos no'n ay nagkamali ako dahil magkahawak ang kamay naming naglalakad ngayon patungo sa canteen.

Tumikhim ako, "Silver, ang kamay ko." sabi ko.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Tinignan ko ang kamay naming magkahawak at ganoon din siya. Nanlaki ang mata ko nang inangat niya 'yon, pantay sa muka ko.

"Hmm? What about this?"

"Get off."

"Why?" mapaglarong tanong niya.

"Silver." banta ko.

"I'm holding you in case Aaron will show up. Makakatakbo tayo ng hindi nagkakahiwalay." sabi niya at wala na akong nagawa nang magsimula na siyang maglakad uli.

Hindi na rin ako nag-reklamo kasi gusto ko rin namang magkahawak ang kamay naming dalawa. Gustong gusto ko. Ramdam na ramdam ko siya. Ang lambot ng kamay niya at nabibigay 'yon ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Saka lang niya binitiwan ang kamay ko nang magbabayad na siya ng binili niyang tubig.

"Isa lang binili mo?" tanong ko.

Buong akala ko pa naman ay bibilhan niya rin ako. Sarili niya lang pala ang binilhan niya. Suminangot ako at aakmang dudukot sa bulsa ay nagsalita.

"Yeah. Let just share." sabi niya lang at binuksan ang bottle of water na hawak niya at binigay sa akin. Hindi agad ako nagkapagsalita at wala sa sariling inabot ang tubig at naiilang man dahil sa sinabi niya ay uminom ako roon at binigay 'yon sa kaniya pagkatapos.

Pinanood ko siyang tumingala at ilapat sa malambot at kulay rosas niyang labi niya ang bottle of water na ininoman ko na.

"Weird. Taste sweet." sabi niya nang matapos.

Nakangiting inirapan ko lang siya.

Nilibot at pinuntahan namin ang mga booths. Hindi ko na rin nakita si Aaron, maaring nasa booth na namin siya. Huli naming pinuntahan ang booth namin at hindi ako nagkamali na naroon si Aaron. Naka-upo siya sa gilid at nagkakalikot sa phone niya.

"Oh! Si Pres!" sigaw ng isa sa mga ka-klase ko dahilan para magsilingunan silang lahat sa gawi namin maliban kay Aaron.

"Pres. Kaya pala wala para mag-operate ah.. may date naman pala." one of my classmate teased.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now