Chapter 07

5 2 0
                                    

“Ooy.. Nag aalala siya sa akin...”

I irritatedly look at Aaron nang gayahin niya ang linyahan ni Silver tuwing nagkikita kami, ginaya pa kuno ang boses.

This is our last class before Christmas break.

Last day na sasabay sa amin si Silver ng lunch break pero wala siya. Wala kaming Silver na nadatnan sa lagi niyang pwesto kapag hinihintay kami. Maging si Mama ay nadismaya nang makita na hindi namin kasama si Silver.

“Bakit daw?” tanong ni Mama.

“Hindi ko rin po alam.” I shrugged my shoulder.

“Kasama niya girlfriend niya,” sabi ni Aaron at ipinakita sa amin ang screen ng phone niya.

Tinignan ko naman agad ’yon. The photo took at plaza at kakaupload lang ’yon sa facebook 10 minutes ago. Si Bryan, ’yong pinakabata sa kanila, siya ang nagpost ng litrato. Nagselfie silang magkakaibigan at hindi lang 'ata sinasadyang masali sila Silver at ’yong babae. The girl was familiar, she's the girl in seven eleven. Magkaharap silang nakaupo sa mesa na semento sa plaza habang tumatawa at kumakain.

Para akong nanlumo at nagising bigla sa katotohanang may girlfriend nga pala siya... masyado akong nawili sa kaniya at pang aasar niya nitong mga nakaraang araw.

Bakit ba kasi pa-fall siya?

Tinignan din ni Mama ang litrato at napangiti na para bang napakagandang larawan ang tinitignan niya. Napairap na lang ako sa kawirdohan ni Mama nito lang pagdating kay Silver.

“Ang ganda pala ng nobya niya,” bakas pa sa boses niya ang pagkatuwa.

“Talaga! Si Liah ’yan, Tita! Isa siya sa mga famous girl online! Sobrang ganda po niyan sa personal." pasang ayon at papuri pa ni Aaron sa sinabi ni Mama at sa babaeng pangalan ay Liah.

“Bagay na bagay sila. Sige, hayaan niyo muna ang kaibigan niyong makipagdate sa nobya niya.” sabi ni Mama excited pa siyang umalis at nakangiting inihanda ang kakainin namin. Palihim naman akong napairap.

Hindi ko pinahalata na nagbago ang mood ko dahil sa nakita at umakto lang na normal.

Ang labo. Bakit ko ba kasi siya nagustuhan? Naiinis lang naman ako sa kaniya tapos nahulog na ako?

Bakit?.. Bakit dumating sa punto na nasasaktan na ako?

The day went on. Nakinig ako sa klase para hindi ako mag isip ng kung ano ano. Nagtake note ako at natutulog na lang kapag walang teacher hanggang sa mag uwian.

Papunta kasi kami ngayon ni Aaron sa seven eleven. Ayaw ko sanang sumama kaso kinaladkad niya ako.

"Mag-ne-netflix tayo mamaya! Kailangan maraming snacks!" usal niya sabay angat ng dalawang malalaking plastic bag na may mga lamang junk foods at mga soft drinks.

Ako naman ay nakahawak sa coke float namin. Sa kaliwang kamay ang kaniya at lalapit siya kung iinom siya, pinapainom ko naman siya, sa akin naman ang nasa kanan.

Hanggang mag umaga na ay nanood lang kami ni Aaron ng movie sa bahay nila. Marami rami na rin kaming napanood at iba ang inulit lang namin. Action movie ang gusto ko samantalang siya naman ay Romance. Kaya Romance Action ang mga pinili naming panoorin. Nanood din kami ng mga cartoons at mga Korea Drama.

Ubos na ang snack namin ng umabot kami ng 2 am. Kaya natulog na kami. Sa sahig siya samantalang ako naman ay sa kama niyang malambot.

"Good night." usal ko.

"Morning na." imporma niya nang natatawa.

"Edi, good mornight." sabi ko naman at tumawa.

Natawa na naman siya, "good mornight din."

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now