Chapter 12

3 1 0
                                    

"Hi..." nakangiting bati ni Silver sa amin. Nagulat na lang kami ni Aaron nang bigla siyang sumulpot habang naglalakad kami.

Napangiti ako. To be honest, I missed his presences.

"Ano 'to? Magpapakita ka lang tuwing trip mo?" salubong ni Aaron kay Silver. Hindi ko matukoy kung nagbibiro ba siya o ano.

Sinabi naman ni Silver sa akin na busy siya sa pag-aaral.

"Uhm.. saan tayo kakain? Hindi nagtinda si Mama ngayon e kaya hindi tayo makakain sa kalenderia namin," imporma ko.

Tinignan ako ni Silver, "sa bahay namin?..."

"H-Huh?"

"Papapuntahin mo kami sa bahay niyo? " gulat na tanong ni Aaron.

"Wala namang tao roon ngayon... kaya kung gusto niyo ay doon na lang." sagot ni Silver habang ang tingin ay nasa sa akin lang.

Tumingin ako kay Aaron. Siya kasi ang masusunod tuwing ganito e. Aaron know the best. Nakatingin din pala siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay bago nag isip.

"Gusto mo ba roon?" tanong nito sa akin.

"Ikaw? Gusto mo ba roon?" tanong ko rin.

Napangiti ako nang tumango si Aaron sa tanong ko. 'Yon kasi ang gusto ko. Ang pumayag siya at pumunta kaming babay nila Silver.

"Eh... Anong kakainin natin sa bahay niyo?" maya maya ay tanong ni Aaron habang naglalakad kami patungong sakayan.

"Hindi ko rin alam. Let's find out." sagot ni Silver.

Sa likod ng tricycle si Silver at kaming dalawa naman ni Aaron sa loob. Silver said he didn't bring his motor that's why we need to commute.

"First time kong makakapunta sa bahay nila Silver," sabi ni Aaron kaya nagtatakang nilingon ko siya, "ayaw niyang may pumupunta ng bahay nila e."

"Bakit?"

"Hindi ko alam." taas balikat na sagot naman nito.

Nag-usap lang kami ni Aaron ng kung ano ano habang nasa byahe. Medyo may kalayuan kasi ang Sta. Maria sa Tayug. Napahinto kami sa pagkwekwentohan at pag-aasaran ni Aaron nang huminto ang tricycle at nagsakay ng dalawang lalaki. Pang tatlohan lang ang tricycle at nagpumilit na sumiksik ang isa.

"Manong, sandali lang po." sabi ni Aaron nang akmang aandar na muli ang tricycle.

"Bakit?"

"Sandali lang po." sabi lang uli nito bago ako hinarap. "sa likod ka na lang..." he said softly. Hinarap naman niya ang dalawang lalaki at sinabing bumaba muna na walang nagawa kundi ang sumunod dahil muka silang takot sa biglaang pagseryoso ng muka ni Aaron.

Inalalayan pa ako ni Aaron na lumabas. Napangiti ako. Napakaprotective niya.

"Bakit?" It was Silver.

"Diyan na kayo sa likod. Bantayan mo 'yan at alagaan ah? Lagot ka sa akin kapag may nangyari diyan." seryosong sabi ni Aaron kay Silver.

"Okay. Got it. I'll take care of her."

"Siguradohin mo lang."

"As If I'll let her get hurt. Man, trust me when I said I'll take care of her."

Nagulat ako nang bigla lumingon ng bahagya si Silver sa akin kaya wala sa oras na iniatras ko ang ulo ko at nautog naman do'n si Aaron na agad dumaing.

"Aray naman, Darren." reklamo nito. Nasa likod ko lang kasi siya.

"Sorry."

Sumakay na si Aaron sa loob, kasama niya 'yong dalawang lalaki. Napangiti ako nang sumakay naman si Silver, sa tabi ng tricycle driver bago niya ako senenyasan na sumakay na rin.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now