Chapter 03

15 2 0
                                    

“Galit ako sayo.” panimula ko. Tinignan ko siya at umirap. Nakatingin kasi ito sa akin na para bang aliw na aliw siya.

Nauna nang umuwi si Aaron habang ang mga kasama naman ng lalaking kaharap ko ay malayo sa amin ngunit nanonood.

“I know. Halata naman.” nakangiting usal niya.

“You just... steal my first kiss.” I mumbled.

“You’re my first, too—”

“Paki ko! Kiss stealer." putol ko sa sasabihin niya.

“Look. I can explain okay...”

“Na ano? Hinalikan mo ako kasi gusto mo lang? Alam mo ba na iniingatan ko ’tong labi ko para ibigay ang first kiss ko sa taong mahal ko tapos kukunin mo lang?”

“Edi gawan natin ng paraan.”

“A-ano?..” nagugulat na tanong ko.

“Mahalin mo ako para sa taong mahal mo rin lang napunta ’yong first kiss mo.” he said then wink.

“Gago ka ba?!” inis na tanong ko para itago ang namumulang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tumawa lang siya kaya naman sinipa ko siya dahilan para mapaluhod ang isa niyang tuhod sa sahig at mapadaing.

Inis na iniwan ko siya roon.

Inagaw ni Aaron ang hawak hawak kong plastic ng basura at siya na mismo ang nagtapon no’n. Nakangiting lumapit sa akin at pinunas ang kamay niya sa laylayan ng damit ko.

“Gago!” singhal ko.

Tatawa tawa siyang lumayo sa akin.

“Good morning, too, Milady,” then he vowed.

Natatawang inirapan ko siya.

“Ang aga mo manira ng araw.” usal ko at inayos ang magulong buhok ko dahil kagigising ko lang. Alas sais pa lang ng umaga at hindi ko alam kung anong masamang nilalang ang sumapi kay Aaron at ang aga niyang gumising at manira ng araw.

“Segi, mamaya na lang kita bwi-bwisetin. Pahiram nga ng notebook mo sa Science, wala akong na-take note kahapon baka magpa-quiz si Ma’am mamaya” sabi niya habang ang kamay ay nakalahad sa harap ko.

“Waking up to the right side of bed? Huh?” tatango tangong saad ko at pumasok sa mababang gate ng bahay namin at pinatuloy siya.

Bibihira lang humiram ng notes ’yan, kadalasan ang sasabihin niya ay pakopyahin ko siya. Gaya kahapon.

“Good morning, Tita Kath,” bati ni Aaron kay Mama na nagluluto ng mga putahing ibebenta niya ngayon sa pwesto naming kalenderia sa palengke.

Dkalenderia ang pangalan ng kalenderia namin. Dahil doon hindi man kami mapera ay sapat na ang kita roon para mabuhay kami sa pang araw araw.

Dumeretso na lang ako sa kwarto ko at hinanap ang notebook ko sa Science.

“Good morning din sayo, Aga natin ah! Anong meron?” rinig kong tanong ni Mama kay Aaron mula rito sa kwarto ko.

“Hihiramin ko po ’yong notes ni Nicole, kokopyahin ko po ’yong lesson na diniscuss kahapon kasi hindi ako nagtake note, para po may pagrereview-an ako incase there’s a surprise quiz po.” napangiti naman ako dahil sa katotohanan at magalang na sagot ni Aaron sa aking ina.

Si Aaron, maingay ’yan at puro kalokohan pero ang maganda sa kaniya ay magalang siya. Alam niyang ibase at ilugar ang ugali niya.

Bumaba na ako. Sininyasan ko si Aaron na lumabas na, sumunod naman siya matapos niyang magpaalam kay Mama. Inabot ko kay Aaron ang notebook nang nasa labas ng gate na siya, pahablot niya ’yong kinuha sa kamay ko.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now