AMP: LABING-ANIM✔️

483 18 0
                                    

A/N: SEE THE MULTIMEDIA
(CLAYTON MANSION)


Enjoy reading!





PHIL'S POV;

SAAN naman kaya ako dadalhin ng damuhong manyak nato! Bigla bigla nalang mang hihila ang sakit kaya ng braso ko. Pag mataba pa naman doble ang sakit.

Tahimik lang kami sa byahe dahil nararamdaman kong iba ang mood nanaman ngayon ni damuhong manyak.

Ayaw ko namang mabugahan ng apoy.

Naka rating kami sa isang bahay-no mansion.

"Wow!" Manghang sabi ko dahil ngayon lang ako naka kita ng ganito kalaking mansion sa personal dahil Kalimitan kong nakikita ay sa magazine lang.

"Close your mouth"

Narinig kong sabi ni damuhong manyak kaya napa baling ang tingin ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Tse!" Sabi ko at humalukipkip.

Pumasok kami sa gate at mas lalo akong namangha pero hindi ko na pinakita pa kay damuhong manyak dahil baka asarin nanaman ako.

Inihinto na nya ang sasakyan nya sa tabi ng ibat ibang brand ng sasakyan na tingin ko'y mas mahal pa sa buhay ko.

Bumaba na sya at hinintay ko muna kung pag bubuksan nya ako ng pintuan ng kotse baka kasi pag inunahan ko sya bubugahan nanaman ako ng apoy nyan.

Nakita ko namang umikot sya pamunta sa gilit ko, at binuksan ang pintuan.

Bumaba na ako at sinimangutan sya.

"What now!?" Naka kunot noong tanong ko sa kanya. Nakaka inis kasi. Pupunta pala kami sa ganitong kagarang mansion tapos ung suot ko is lose shirt at padyama dahil matutulog na nga dapat ako ng makaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako pero hinila naman ako ng damuhong to. Buti nalang hindi pa ako nag tatanggal ng bra ko. Naku kung natanggal ko na to baka nahila nya akong walang bra. Tsk.

"H-hoy! Teka! Dahan dahan naman sa pag hila!" Ano ba naman tong damuhong manyak na to ang hilig manghila.

Huminto naman sya sa pag lalakad kaya napahinto din ako. Humarap sya saakin sabay sabing.

"Pwede ba kahit ngayong gabi lang manahimik ka muna? Kanina pa ako naiinis dyan sa bunga-nga mo ang ingay" sabi nya sabay talikod at hinila nanaman ako.

Aba!

Hindi ko na sya sinagot pa at natahimik nalang, kahit masakit ung pag kakahila nya saakin ay tiniis ko nalang.

May nasasalubong kasi kaming mga lalaking naka suit na may naka lagay sa tenga nila na parang earpods na itim then may mga baril sila sa tagiliran. Baka kasi pag sumagot pa ako aa kanya ipa baril nya ako sa mga ito edi nabawasan na ung isa sa mga mataba sa mundo dba?

Nag pa tangay nalang ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa isang magarang pintuan. Huminga muna ako ng malalim, shet hiningal ako.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now