WAKAS

722 18 4
                                    

PHILOMENA'S POV:

"ARE you sure that you're okay?"

Napatingin naman ako kay Ellioner ng muli nya akong tanungin.

"Oo nga, okay na okay na ako noh"

Bakas ang irita saaking muka dahil sa paulit ulit nyang tanong.

"What? I'm just asking, wag mo akong tignan ng ganyan"

Hindi nalang ako sumagot at inirapan nalang s'ya

Isang lingo narin ang nakaka lipas ng mang yari ang trahedyang iyon at ito ako ngayon nag ha-handa na dahil ma di-discharge na ako dito sa hospital.

Isang buong araw daw akong naka tulog nun kaya alalang alala saakin si mokong akala nya nga daw patay na ako. Tawang tawa nga ako ng mapanood ko ang video ng pag hagulgol ng iyak ni Ellioner. Pinanood saakin ni Josh. Nag taka pa nga ako nun kung ano yung ipapanood nya saakin kasi sinakto n'yang umalis si Ellioner bago pinanood saakin

Hindi ko pinadelete kay Josh yon. hindi nya pinanood sa iba lalo na kay Ellioner. Ayaw nya rin daw, dahil baka mawala daw sya ng maaga sa mundo.

Loko loko talaga

Inaayos ko na ang mga gamit ko at Sa probinsya namin kami de-deretsyo para ma fresh daw ang utak ko.

At kailangan ko na din talaga umuwi muna saamin dahil baka nag aalala na sila inay


Ng matapos na ako ay binitbit na n'ya ang bag bago inalalayan akong mag lakad.

Hanggang ngayon medyo nakakaramdam parin ako ng kirot ng tyan ko pero kaya ko naman.

Dala dala nya ang mga gamit ko sa kabilang kamay nya at ang kabila naman ay naka hawak sa bewang ko.

Nabayaran nya na lahat ng bill ko dito sa hospital. Nahihiya nga ako pero nung nag reklamo ako sya pa yung nagalit. Dumalaw din saakin sila tita Marie at tito Ellios kasama si Jasfer. Nagulat nga ako nung malaman kong sya pala ang bunsong anak na sinasabi ni tita marie

Humingi sya saakin ng kapa-tawaran dahil sa ginawa nya, at agad ko namang pina-tawad dahil sino ba naman ako kung hindi mag pa-patawad diba? Mas magandang kalimutan nalang at mag move forward kesa mag karoon ng sama ng loob at galit sa puso

Naiintindihan ko naman sya at ang paliwanag nya saakin

Nabulag lang daw talaga sya dahil sa pag mamahal saakin at galit sa mga Clayton. Kahit anong gawin nya daw ay Si Ellioner parin ang mahal ko.

Hindi ko maiwasang hindi maka ramdam ng awa para sa kanya.

Parehas kaming naging biktima...

Pero mag kaiba ng sitwasyon ng pang yayari...

Inamin n'ya rin saakin na nag aadjust pa s'ya sa buhay nya ngayon pero unti unti na n'ya daw na natatanggap

Nag pasalamat din sya saakin peri hindi ko alam kung para saan kaya nag kabit balikat nalang ako.

Ilang na ilang pa sya kila tita, aba sino ba namang hindi maiilang almost 21 years din silang nag ka walay. Mas matanda lang pala sa kanya si Ellioner ng buwan.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now