AMP: APAT✔️

627 19 0
                                    

        MATAPOS kong ayusin lahat ng mga gamit ko ay lumabas na ako para mag hanap ng murang makakainan, naka ramdam kasi ako ng gutom.

Sakto namang nasalubong ko si nanay Jo.

"Nana Jo aalis po muna ako ah, kakain po muna ako sa labas" pag papalaam ko.

"Sige Phil mag iingat ka pero kung gusto mo, pwede Naman akong mag luto"

"Nako hindi na po, salamat nalang po. Gusto ko po muna kasing lumabas para alam ko po ang pasikot sikot dito" Pag tatanggi ko at tuluyan nang lumabas.


Nag lakad muna ako para ma enjoy ko yung mga tanawin kahit na hapon na. Kailangan ko pa kasing mag lakad bago maka rating sa main gate palabas pa national highway. Natatanaw ko pa mula sa kina-lalakaran ko yung school na papasukan ko. Ang lakiiiii! Exited na akong pumasok, kaso next week pa daw ang start eh.

Pa tingin tingin ako sa mga dorm house na, nadadaanan ko. Oo nga kung titignan mas malaki at mas elagante yung bahay na tinutuluyan ko ngayon kesa sa iba.

Sa totoo lang parang subdivision nga to eh.

Sa kaliwang banda yung school, samantalang yung mga tinutuluyan naman namin ay sa kanan. May pader na hanggang bewang Lang na naka harang sa pagitan.

Ang alam ko ay may sariling pamilihan sa loob ng campus dahil sa sobrang lawak nito pero mas gusto kong sa labas nalang pumunta

Nang maka rating na ako sa gate ay agad agad na sumalubong saakin ang usok na nanggagaling sa mga tambutso ng mga sasakyan kaya napa ubo ako.

Ibang iba talaga ang syudad sa probinsya.

Sakto namang may paparating na jeep Kaya pinara ko Ito, pag kahinto nito sa tapat ko, sumakay na ako. Pahirapan pa dahil marami rami na ring naka sakay.

Nang maka hanap na ako ng pwesto ko ay umupo na ako.

Masikip man pero wala naman akong magagawa. Base kasi sa kwento saakin ng kapit bahay naming pabalik balik dito sa syudad ay marami daw ang nag uunahan maka sakay sa pampasaherong jeep kapag rush hour na, kumbaga agawan na kaya hindi maiiwasang hindi mag ka gitgitan. Pero sabi nya kailangan ko din daw mag ingat dahil 'di lamang daw sa manila merong mandurukot. Sabagay kahit saan naman meron.

Napalunok ako nang may maamoy akong hindi kaaya-ayang amoy na nang gagaling sa katabi ko.

Jusko, ambantot! Naliligo pa ba to? Ang masaklap pa naka taas ang kamay nya kaya amoy na amoy!.

Biglang promeno si manong jeepney driver kaya nag ka gitgit-gitan

Potashemay! Tumapat pa sa muka ko ang kilikili nya! Kailangan kong mag hilamos ng safeguard mamaya! Ambaho at basa!

Pero imbis na mag reklamo nanahimik nalang ako at pinunasan ang muka ko gamit ang panyong dala-dala ko.

"Ano bayan! Ang sikip Naman!"

"Miss Pwede bang bumaba kana sa iba ka nalang sumakay Ang sikip-sikip na eh." naka ngiwing Sabi Ng katabi ko.

Ikaw nga, wala pang bagong taon. Nag papaputok na!

Gusto kong sabihin yan pero pinigilan ko. Mahirap na dayo lang ako dito, mamaya abangan ako sa kanto nyan at ipa bugbog. Aba kahit malaki katawan ko takot parin ako noh.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now