AMP: DALAWA✔️

686 24 0
                                    

                    HINDI ko namalayang naka idlip na pala ako sa kalagitnaan ng byahe namin. Kung hindi pa ako tinapik-tapik ni mang Tano, hindi ko pa malalamang malapit na kami

"Woah!"

Manghang-mangha na talaga ako sa mga nakikita ko ngayon. May parang subdivision kaming pinasukan na may malaking gate kung saan may naka sulat na 'Dorm House'. Pare-parehas ang style ng mga bahay, at sa tabi ng gate ng pina-sukan namin ay may isa pang mas malaking gate kung saan may naka lagay na

'Welcome to Clayton International Academy'

Grabe, ang yaman! International Academy school! Pangarap ko lang dati na maka pag-aral dito, ngayon matutupad na.

I wonder kung sino ang may ari ng iskwelahan na ito. Napaka yaman niya! Ang alam ko kasi hindi ito hawak ng gobyerno eh.

Hindi maalis ang tingin ko sa bawat bahay na nadadaanan namin.

Hanggang sa makarating kami sa–teka... Hala! Baka nag kaka mali lang si mang Tano kung saan ako iba-baba.

Mag sasalita na sana ako ng bumaba na siya kaya dali dali rin akong bumaba.

Tinulungan ako ni mang Tano para ibaba ung maleta ko. Siya yung sumundo saakin sa may terminal.

"Salamat po "

Naka ngiting sabi ko at isinukbit na ang dala dala kong shoulder bag bago bumaba.

'Wow'

Bumungad saakin ang kakaibang disenyo ng dorm house

'Dito ba ako tutuloy? Pero napaka laki nito kumpara sa iba'

Sabi ko sa sarili ko kaya muli akong humarap kay mang tano na kasalukuyang binababa ang dala kong maleta

"Mang Tano, dito po ba ako tutuloy?"

"Yes, ineng"

"Pero kakaiba po ito kesa sa ibang dorm house at sa tingin ko ay ito po ang pinaka malaki"


Nakakapag taka talaga lalo na't ibang iba ang itsura ng dorm house na 'to sa iba pang dorm house

Nginitian lang naman niya ako.

"Hayaan mong si Jorjina ang mag paliwanag sayo. Sige aalis na ako.  Atsyaka ineng mag iingat ka sana hindi mo sya maka salubong ulit"

Nag taka naman ako dahil sa huling sinabi nya. Gusto ko pa sanang mag tanong kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit sumakay na sya sa sasakyan at pinaandar ito papaalis.

Napakamot nalang ako sa ulo ko

Si manong talaga iniwanan pa ako ng isang malaking katanungan dahil sa huling sinabi n'ya.

Biglang pumasok sa isip ko yung lalaking na talakan ko kanina ngunit agad ko ding inalis sa isipan ko.

Napabuntong hininga naman ako at hinawakan na ng mabuti ang daladala kong maleta.

Napalingon ako sa likuran ko ng may marinig akong bumukas na  maliit na gate mula sa malaking dorm house na nasa likuran ko.

Hindi talaga kagaya ng ibang dorm house na nadaanan namin, At sa tingin ko ay ito ang pinaka malaki, hindi pala sa tingin. As in ito ang pinaka malaki

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now