AMP: WALO✔️

562 18 0
                                    

       
       PHILOMENA'S POV:

"HI! I'm Cassandra! Waitress din ako dto" nagulat nalang ako ng may mag salita sa gilid ko.

Kasalukuyan Kasi akong ini-imis ang mga pinag kainan ng kaka-alis lang na customer ng tumigil sa sa gilid ko.

Saglit kong tinigil ang pag liligpit at tumingin sa kanya.

"Hello, I'm phil" pag papakilala ko habang naka ngiti.

"Bago ka Lang din ba dito?" Tanong nya kaya Naman tumango ako. At ipinag patuloy ang pag liligpit.

Nang mailagay ko na sa isang tray ay binuhat ko na ito.

"Ako rin eh!" Nakangiting Sabi nya.

Nginitian ko Naman sya at nag paalam na pupunta na ng kusina.

"Sige pupunta na muna ako ng kusina para ilagay ito mamaya nalang Tayo mag usap pag matapos Ng trabaho baka makita pa tayo ng manager natin at parehas pa tayong ma sesante" mahabang sabi ko sakanya.

Nginitian nya Naman ako

"Sige!"

Pag ka Sabi na nayon ay tinalikuran ko na sya at nag lakad na papuntang kusina para ilagay itong niligpit kong mga pinag kainan.

Trabaho lang ako ng trabaho. Serve doon serve dto, imis doon imis dto. Hanggang sa mag alas otso na.

Haysss! Nakakapagod pero alam ko namang worth it din ang pagod ko.

-----

NASA gitna ako ng pag liligpit ng gamit ko dahil tapos na ang shift ko.

Nandito Kasi ako ngayon sa locker room ng mga waitress ng may naramdaman Kong may tinapik saakin kaya napaharap ako bigla.

"Hi! Phil! Ako to si Cassandra!" Naka ngiting sabi nya. Kaya nginitian ko Naman sya.

"Hello Cassandra" bati ko rin sakanya.

Naka suot na ako ngayon ng maluwag na kupasing t-shirt at maluwag na pantalon

Ng matapos ko ng imisin ang gamit ko ay humarap na ulit ako sa kanya. Ng mag salita sya.

"Uhmm... Phil sabay tayo umuwi, mag ka lapit lang naman ung dorm mo sa dorm ko"


Hindi ko maiwasang hindi mapataas ng kilay sa sinabi nya, dahil sa pag tataka.

"Sa Clayton International Academy ka din nag aaral?" Tanong ko.

"Oo pero dati na akong scholar kasabayan ko si Nuela"

Kaya naman pala.

Pero muka s'yang mayaman dahil ang classy ng dating nya at mukang mamahalin ang suot nya, kutis porselana din s'ya

"Ahh... ok, tara"  awkward na sabi ko  at nauna na akong lumabas.

Naramdaman ko namang sumusunod sya saakin.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu