AMP: ANIM✔️

589 19 2
                                    

             NASA harapan na kami ng pintuan na may naka lagay na principal office. Kumatok Naman si Nuela doon at binuksan.

"Miss. Beugs nandto na po si Ms. Dela Paz "

Sabi ni Nuela mula sa loob

"Papasukin mo"

Sinenyasan naman ako ng Nuela na pumasok kaya pumasok na ako.

Pag pasok ko may nakita akong babae na naka upo sa swivel chair. Sa tingin ko ay mga nasa mid. 40 years old. Ang ganda nya bagay na bagay sakanya ang Dean's outfit. Nanliit tuloy ako, for sure pag dumikit ako sa kanya mapapag kamalang yaya, Grabe.

Nahagip Naman ng paningin ko yung isang babasaging bagay na naka lagay sa ibabaw ng lamesa nya na may naka ukit na pangalan kaya binasa ko Ito.

Principal
Mrs. Trina C. Beugs

"Good morning Miss. Beugs sorry na late po ako, naligaw po kasi ako eh." Sabi ko

"Good morning too Ms. Dela Paz, it's ok, base on your sched free time mo naman ngayon. By the way have a sit, tutal ikaw na lamang ang hindi pa nabibigyan ng instructions at hindi pa nabibigay ang schedule. But before that ipapaliwanag ko muna sayo ang mga rules and regulations dto sa Clayton International Academy"

Umupo naman ako sa gilid ng office table nya kung saan may naka lagay na single leather sofa.

"By the way, Ms. Santos you may go, it's already time of your third class."

Baling na sabi nya kay Nuela na naka tayo lang sa tabi ko.

"Yes miss" sagot nya at bumaling saakin.

"Bye! See you mamaya! Hintayin Kita sa gate!" Naka ngiting sabi nya at lumabas na.

Tinanguan ko lang sya.

Napa-tingin naman ako ulit kay Ms. D Malaluan nung tumikhim sya.

"Ehem* So Ms. Dela Paz let's start."

Tumango naman ako at umayos ng upo

"Ok po Miss Beugs"

Sabi ko habang matamang tinitignan sya.

----

Matapos nyang sabihin Lahat ng mga rules and regulations pati na rin ang mga instructions sa pagiging scholar ay ibinigay na nya saakin ang schedule ko, kaya nag paalam na ako at lumabas.

Base na rin sa schedule na binigay saakin hanggang ala una lang ng hapon ang pasok ko kaya makakapag trabaho na ako mula ala una hanggang alas otso ng gabi.

Tinignan ko Naman Kung anong oras na, mula sa pambisig kong relo.

09:45 am

Alas nuebe na pala

Narinig kong kumalam ang sikmura ko sa gutom kaya napa hawak ako dito.

Oo nga pala hindi pa ako kumakain ng umagahan.

Pero bago 'yon tinignan ko muna Kung anong oras ang klase ko.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum