ESPESYAL NA KABANATA 1

616 19 3
                                    

PHILOMENA'S POV:

"ANAK masaya kami ng inay mo para sayo" sabi ni itay habang madamdaming naka tingin saakin mula sa salamin habang si inay naman ay naka yakap sa likod ko.

"Salamat po inay at itay, dahil sobrang napaka supportive nyo po. Sobrang swerte ko po na binigyan ako ng ina at ama na kagaya po ninyo, malaki po ang pag papasalamat ko kay papa G! (God). Mahal na mahal ko po kayo"

Umiiyak na sabi ko.

"Wag ka ng umiyak anak masisira make up mo sige ka" pananakot ni inay pero lumuluha din naman.

Napatawa naman ako ng mahina. At maingat na pinunasan ang luha ko.

"Ok lang po inay waterproof naman po itong mi-nake-up saakin.

Ikakasal na ako sa taong mahal na mahal ko at mahal ako...

Simula ng mag propose saakin si Ellioner ay naka plano na pala lahat at ako nalang ang hinihintay kaya pala sobrang busy sya nung mga naka raang buwan. Nag tampo pa ako sa kanya dahil hindi man lang ako nakapag sama sa plano ng kasal dahil sya lahat ang nag plano, hindi sya nag patulong kila inay at tita Marie dahil mas gusto nya daw ay sya, kasi gusto nya daw ako bigyan ng surprise wedding at bonggang wedding dahil hindi ko daw deserve na simpleng wedding lang. Umiyak pa ako non nung sinabi nya saakin, ayaw nya panga sana sabihin kaso pinilit ko sya kaya ayun sinabi nya rin. Pero lahat ng pilnano nya sobrang nagustuhan ko dahil dream wedding ko yon. At tinanong ko pa sya kung paano nya nalaman ang dream wedding ko.

"Prinsipe oner ko paano mo laman ang dream wedding ko?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko pa bang sagutin yan?" Tanong nya. Mula sa phone. Oo mag ka usap kami tru phone dahil may pamahiin na tatlong araw muna ang palipasin bago mag kita at sa simbahan nalang mag kikita.

"Oo naman no"

"Fine... Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Mahilig kang manood ng mga wedding. At one time pag ka tapos mong manood noon at habang binabantayan kita bigla ka nalang nag sabi ng. 'prinsipe oner ko kapag tayo ang kinasal gusto ko yung bongga ah! Yung mala royal wedding! Kasi ganun yung dream wedding ko, ok din naman ang simple wedding pero kasi isa sa goal ko ang ikasal sayo ng mala royal wedding' Yan ang sabi mo noon. Tuwang tuwa nga ako noon dahil ako pala yung lalaking gusto mong mapangasawa na matutupad na. Kaya binigay ko yung best ko para bigyan ka ng mala royal wedding. Kasi gusto kong maging masaya ka."

Mahabang sabi nya. Kahit namimilipit at slang parin syang mag tagalog kaya mas lalo ko s'yang minahal

"Naalala mo pa pala yon. Nakaka inis ka! Pinapaiyak mo ako"

Sabi ko shems thank you papa G! (God) sobrang swerte ko po sa taong itinadhana mo po para sakin.

And this is it!

Our Big Day.

Magiging Mrs. Clayton na ako mamaya maya lang. Gusto ko pa sanang next month nalang ang kasal kaso ayaw pumayag ni Ellioner dahil gusto nya na daw akong maging asawa at maangkin nyang sakanya na daw talaga. Napaka possessive talaga kahit kelan.

Mrs. Philomena Valencia Dela Paz-Clayton

Bagay na bagay!

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now