AMP: DALAWANPU'T DALAWA✔️

448 17 0
                                    

         PHIL'S POV;

     
       NANDITO na kami ngayon ni Jasfer sa cafeteria habang naka upo kami kung saan madalas kaming pumwesto ni Nuela. Naiilang ako kasi kanina nya pa ako tinititigan kaya iwas ng iwas ako habang sumusubo ng french fries na nilibre nya.

"U-h, p-pwede bang wag mo akong titigan? Nakakailang kasi eh" mahinang sabi ko sabay ngiwi. Napatawa naman sya ng mahina. Kaya naramdaman kong namula ung pisngi ko sa hiya.

"Sorry, ang cute mo kasi ang taba ng pisngi mo" naka ngiting sabi nya at marahang kinurot ang pisngi ko.

"A-ay hehehe" nahihiyang sabi ko.

"Sorry nga pala at wala akong formal na pag papakilala sayo dahil tuwing mag tatagpo ang landas natin lagi namang may aberya.. you know!"

Sabi nya at uminom ng coke na inorder nya para sa sarili nya.

Napatango naman ako.

"By the way, dahil nakapag pakilala na ako sayo ng formal habang nasa syoer market tayo, dapat mag pakilala ka din"

"Huh? Edi ba alam mo na name ko?"

"Oo, pero hindi nanggaling mismo sayo"

Oo nga naman kasi.

"Oo nga no? Ehem* Hello, I'm Philomena Dela Paz 18 years old 1st year college, taking BSC" 

Naka ngiting pag papakilala ko sa kanya.

"Ako naman!"

"Eh? Nakapag pakilala kana diba?"

"Oo pero walang age"

Ang weird neto. Tumango nalang ako bago muling sumubo ng fries at uminom ng coke.

"I'm Jasfer Manequi, turning 23 this coming November and taking BSC also"

Nakangiting sabi nya at inilahad saakin ang kanyang kamay. Na agad ko din namang tinanggap.

"Oh! Dapat pala tinatawag kitang kuya kasi mas matanda ka saakin ng ilang taon"

Sumama naman bigla ang timpla ng muka nya.

"Ilang taon lang naman"

Nakasimangot nyang sabi. Ang kyut!

"Sus kahit na... Kuya Jasfer, thank you sa pag treat saakin"

Pang aasar ko pa lalo sa kanya. Totally inookray ko lang sya. Wala lang ang cute nya kasi eh hahaha pero hoy! na cu-cute-an lang ako sa kanya ah! And Wala kasi akong kuya kaya feel ko syang maging kuya.

"Don't call me kuya, we're not related" seryosong sabi nya.

Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot ng sabihin nya 'yon.

Oo nga naman hindi naman kami mag kaano ano pero kung maka demand ako akala mo sobrang close na namin.

"S-sorry"

Naka yukong sabi ko.

Naramdaman ko namang tumayo sya at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora