AMP: PITO✔️

567 19 1
                                    

       PHILOMENA'S POV:

    "I-KAW...i-kaw ung lalaking nag pahiya saakin sa restaurant!'' nauutal na sabi ko habang naka turo pa ang hintuturo ko sa kanya

"Do I know you miss? And I don't know what your saying. D*mn!" naka kunot noong sabi nito saakin habang naka hawak sa pisngi nya kung saan ko sya sinampal

''Hoy lalaki wag ka nang mag maang maangan pa, alam kong alam mo kung sino ako kaya kung ako sayo, humingi ka nalang ng sorry saakin'' nanggigigil na ako sa lalaking ito ah nag mamaang maaangan pa hindi na bebenta saakin yang palusot na yan.

"Look miss, if you're one of my ex-flings or maybe not because you're too fat, to be my fling"

Naka ngising sabi nya

Abat!—

Tinalikuran nya ako at nag lakad na palabas. Aba gago 'to ah! Akala nya naman papatulan ko rin sya!

Over my dead fat babies! 

Pero dahil sa pag mamaang maangan sya at mas lalong nadagdagan ang  inis ko dahil sa panibagong sinabi nya naman ay hinabol ko sya at...

*PAK

Well, sinapok ko lang naman sya ng pag ka lakas lakas at tumakbo na ako palayo habang bitbit-bitbit ko ang bag ko. Buti nga sayo! Masyado kang mayabang! Fling, fling mo muka mo!

Narinig ko pa syang tinatawag ako pero tumakbo lang ako ng tumak bo papalayo habang tumatawa

Sa wakas naka ganti na din ako, Hindi lang isa kundi dalawa pa.

Takbo lang ako ng takbo habang pa lingon lingon sa likuran, baka kasi hinahabol nya rin ako mahirap na.

Ng may naka bungguan ako kaya napa upo ako sa sobrang lakas.

"Aray!"

Shems! ang sakit ng pwet ko at feeling ko umalog ang mga babies fats ko

Samantalang sya ay parang hindi man lang natinag sapag kakatayo nya.

"Are you ok miss?"

Tinignan ko naman sya, ang gwapo! 

Hindi ko pinahalatang medyo na amaze ako sa itsura nya at pina mukang inis ang muka ko

"Sa tingin mo ok ako" Sabi ko sabay Irap.

Pero infairness ah, ang gwaps nya talaga!

Akmang tatayo na ako ng maramdaman kong hinawakan nya ang siko ko para alalayan, hinayaan ko nalang din dahil ramdam na ramdam ko parin ung sakit ng pwetan ko.

Nang makatayo na ako at naramdaman kung medyo nawawala wala na ang sakit ay tinanggal ko na yung pag kakahawak nya sa siko ko at nilag-pasan na sya.

Hmp! Kahit gwapo ka kuya kailangan ko paring mag madaling umalis baka maabutan na ako ni mokong na 'yon!

Tuloy tuloy lang ako sa pag lakad at hindi na pinansin pa ang pag tawag nya.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon