AMP: DALAWAMPU'T WALO✔️

426 17 0
                                    


PHILOMENA'S POV:

WALA sa sariling kinukusot ko ang nilalabhan kong damit, nag lalaba kasi ako ngayon sa likod ng bahay ni Lolo Elo. Iniisip ko hanggang ngayon ang napag usapan namin ni jasfer kahapon. Pag ka tapos n'yang sabihin 'yon ay umalis na agad s'ya pero hindi ko alam kung saan sya pumunta.

Gusto kong maniwala pero may puwang sa puso ko na nag si-sinungaling lang si Jasfer at sinisiraan saakin si Ellioner, gusto ko s'yang kausapin para malaman ko rin kung totoo ba talaga lahat ng sinasabi ni Jasfer at gawa gawa n'ya lang.

Ayokong maniwala pero...paano kung totoo? Paano kung may kinalaman nga s'ya sa pag kaaksidente ko noon? Pero mag kasama kami ng mga panahong 'yon kaya sobrang napaka imposible. At higit salahat... Isa s'yang mafia...Mafia Heir to be exact...wala akong masyadong alam sa salitang 'yan pero ang tanging alam ko lang ay mga delikado silang tao, pumapatay, at gumagawa ng mga illegal... Hindi ko mawari kung ano ba dapat talaga ang maramdaman ko.

Hayss. Kesa mag isip ako ng mag isip mas magandang tapusin ko muna ang pag lalaba ko at panahon narin siguro para pumunta ako ng Batangas at makausap ng masinsinan si Ellioner. Then sa susunod nalang ulit ako uuwi para makasama at makausap narin ng masinsinan sila inay at itay kung may alam ba sila sa pag katao ng mga Clayton

Naramdaman kung kumati ang leeg ko, kaya ng kinamot ko ito pero napatigil ako ng may tumunog galing sa leeg ko, kung saan parte ko kinamot.

"Huh?"

Kinapa kapa ko ito

'Bakit may bukol ako dito?'

Nag tatakang tanong ko sa sarili ko

Binitawan ko muna ang kinukusutan ko at kinapa ito.

Bukol talaga maliit lang naman parang nunal pero ang alam ko wala naman akong nunal sa leeg eh.

Weird

Binitawan ko nalang at nag patuloy na sa pag kukusot.

"Mena apo! Kain na tayo ng tanghalian! Mamaya na yan"

Napalingon ako kay Lolo Elo, naka tayo sya sa bukana ng pintuan habang tinatawag ako

"Sige po lolo susunod po ako!"

Sabi ko at tumayo para  isalang na ang  mga bedsheet sa waching machine, bago nag lakad papasok na sa loob ng bahay.

Ayoko kasing pag hintayin ang pag kain hehe.

Pag dating ko sa dining area napahinto ako dahil nakita kong naka upo si Jasfer sa Dining chair habang busy kaka type sa cellphone n'ya.

Naramdaman nya sigurong naka tingin ako kaya tumaas ang tingin nya patingin saakin kaya napa iwas ako ng tingin.

"Mena apo, umupo kana"

Naka ngiting sabi ni Lolo elo habang naka upo sa dining chair na upuan ng padre d pamilya.

Ngumiti naman ako at umupo na kaharap si Jasfer.

Akward...

Akala ko sa susunod na lingo pa sya babalik, kasi tuwing aalis sya dito isang lingo bago sya bumalik pero palihim nalang akong nag kabit balikat.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon