BE HAPPY

118 3 0
                                    


NAPABUNTONG hininga ako nang makita ang papaalis na bus kung saan sumakay ang Nanay ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong hiwalay na sila ni Papa paano na ako?

Pumunta ako sa palaging tambayan ko. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng pinagdaraan ko. Mula sa kilig, saya, lungkot, at galit.

Pakiramdam ko kasi ay kasama ko ang Diyos tuwing narito ako. Siya ang sandalan ko. Dahil bukod sa kaibigan kong lalaki at sa nobyo ko wala na akong ibang mapagsasabihan ng mga dinadala ko.

"Sabi ko na nga ba't nandito ka." napalingon ako sa gawing likod ko.

Ngumiti ako ng tipid ng umupo siya saaking tabi.

"Ayos ka lang?" tanong niya at isinandal ang aking ulo sa balikat niya.

Doon tuluyang nabuhos ang lahat ng emosyon ko. Maging ang paggalaw ng balikat ko ay hindi ko napigilan dahil sa hikbing lumalabas sa bibig ko.

"Shush..." pagpapatahan niya habang hinahagod ang aking likod.

"S-Sorry..." maya-maya ay ani ko ng maramdaman kong gumaan ng kahit kaunti ang nararamdaman ko.

"You don't need to say sorry, Liz. I'm here okay? Para saan pa't naging tayo kung hindi kita madamayan sa ganitong sitwasyon?" nakangiting aniya at hinalikan ang noo ko.

Napangiti ako at niyakap ang magdadalawang-taon ko ng nobyo. Matangkad siya at may kayumangging balat, ang labi niya ay mas perpekto pa sa hugis ng labi ko.

Natawa ako at bumitaw sakaniya.

"Huwag ka nga mag-english." natatawang ani ko.

"At bakit?" nakataas ang kilay na aniya habang nakayuko upang makita ang aking mukha.

"Dahil mukha kang wattpad character." sabi ko at muling tumawa.

Natawa rin siya at itinaas pa ang kaniyang braso pini-flex na naman ang muscles niya.

"Mas malaki pa rin ang katawan ni Sevi sa'yo!" tukso ko na ang itinutukoy ay ang isa sa wattpad character ng isang libro.

"Aba't!"

Dahil sa ekspresyon niyang iyon ay kaagad na akong lumayo alam ko na ang kasunod. Kikilitiin niya ako!

At tama ako! Pagkatayong-pagkatayo ko ay naglakad na siya palapit saakin kaya kaagad akong tumakbo!

"T-Tama na.." nahihirapang ani ko dahil sa ka-katawa.

Pero hindi siya tumigil at pumaibabaw pa saakin.

"Huli ka!" tumatawang aniya at mas kiniliti pa ako!

Nang mapagod kami ay tatawa-tawa kaming nahiga sa damuhan. Itong tambayan ko kasi ay maliit na burol na may mga punong nakapalibot kaya naman malilim.

"Carl.." tawag ko.

Kaagad siyang lumingon sa dereksyon ko at ngumiti.

"Hmm?" he hummed while looking straight at my eyes.

"Thank you. Thank you for staying, I love you." nakangiting ani ko.

Lumapad ang ngiti n'ya at bumangon siya upang makalapit saakin. Iilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin.

"It's my pleasure baby, I love you too." sagot niya bago tuluyang yumuko at dinampian ng ako ng magaan na halik sa mga labi.

NAGISING ako ng makarinig ng malamyos na musika. Isang linggo na rin simula ng umalis si Mama. At ngayon lang nagpatugtog ng gan'yang kanta si Papa.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now