I love you but Goodbye to you

1K 6 0
                                    

I love you but Goodbye to you
[PLAGIARISM IS A CRIME]

Naglalakad ako non ng may makita akong batang nadapa kaya agad ko syang nilapitan para tulungan.

"Ayos ka lang?" tanong ko

"Iiyak ba ako kung ayos ako? Huhu bad ka" sabi nya

I'm just a kid that time kaya hindi ko alam na pinipilosopo nya ako.

"Tara tulungan na kita bata. Ano nga palang pangalan mo?" biglang tanong ko

Napaangat sya ng tingin sakin puno pa rin ng luha ang mga mata.

"I'm Cristel and you are?" pagbabalik nya sakin ng tanong

"I'm Ranz" nakangiting sabi ko

"Friends?" dagdag ko at inilahad ang kamay ko

"Sure" sabi nya

Tinulungan kona syang makatayo at dinala ang ilang gamit nya upang di na sya mahirapan. Nang nasa tapat na kami ng bahay nila ay ngumiti sya sakin ng malapad

"Salamat ha? Hope we meet again" nakangiting sabi ni Cristel

"I hope so" sabi ko at ngumiti muli

"I love you but goodbye to you" sabi nya kaya nabigla ako

"Hala sabi ni mommy pag nagsabi ng ilabyu dapat lab mo yung tao. Lab mo ba ako?" inosenteng tanong ko

"Haha joke lang yun" tumatawang sabi nya

"Bad ka!" sabi ko

"Hahaha bat ka kasi naniwala joke lang yun eh!" sabi nya at muling tumawa

DUMAAN ang ilang taon at muli kaming nagkita. Sa lugar kung saan kami unang nagkita may dala syang baseball bat. Hula ko ay isa sya sa mga napanood ko kaninang maglaro

"Ranz?" nag aalangang tawag nya

"Cristel..." tawag ko

Agad syang napangiti at lumapit sakin bago tinapik ang aking balikat.

"Hala kamusta kana! Sabi na magkikita uli tayo eh" nakangiting sabi nya

"Ayos lang eto gumagwapo na " biro ko kaya napa poker face sya

"HAHA joke lang" sabi ko

Natawa rin sya bago muling nagsalita

"Hatid mo uli ako?" tanong nya

"Oo ba minsan lang magkrus ang landas natin eh" nakangiting sabi ko

Hindi ko alam pero simula ng makilala ko sya ay wala na akong ibang babaeng nagustuhan. Sya lang ata ang gusto ko. Oo matagal kona syang crush kaya nga tinulungan ko sya nung bata pa kami.

"Oh pano pasok na ako?" nakangiting sabi nya hindi ko manlang napansin na nasa harap na kami ng bahay nila

"Uhm Cristel.." hindi ko alam kung sasabihin koba o ano

Nakangiti syang humarap sakin.

"Ano yun Ranz?" tanong nya

"I-I  ano ahm I love you but goodbye to you" sabi ko

Hindi kopa kaya! Nahihiya akong umamin sakanya! Haiist

"HAHAHAHA ikaw ha binabawian moko sa ginawa ko nung bata pa tayo" natatawang sabi nya

Napakaganda nya talaga kahit parang lalaki sya umasta

"Hahaha ikaw eh" pakikisakay ko sa biro

Para sakanya biro lang ang salitang I love you haiist

"Sige till we meet again!" sabi nya habang kumakaway

"Sandali Cristel!" tawag ko ng isasara na nya ang gate

"Kunin ko number mo?" nahihiyang sabi ko

Ngumiti sya at binigay na ito.

SIMULA nun ay hindi na uli kami nagkita ngunit palagi parin kaming nakakapag usap sa text. Lalo ata akong nahuhulog sa babaeng to.

Nasa sofa ako at hinihintay ang reply ni Cristel dalawang araw na kasi syang di nagpaparamdam. Nagulat ako ng may biglang tumawag at makita ang pangalan nya rito

"Hello Cristel?" excited na bati ko

"I-ikaw ba si Ranz?" tanong ng isang tinig halatang humihikbi ito

"O-opo bakit ho?" tanong ko

"Mama ako ni Cristel nandito sya sa hospital at gusto ka nyang makita" sabi nito

Wala akong segundong sinayang at agad pinuntahan ang nasabing hospital.

"Cristel!" sigaw ko ng makita syang nakahiga at hawak ang telepono nya

"Ranz..." mahinang tawag nya at ngumiti

BUONG araw ko syang kasama nanood kami ng video sa telepono nya ayaw ko man ng nakakatakot ay ginawa ko para sakanya.

"Cristel?" tawag ko

"Hmm?" nakangiting lingon nya

"I love you Cristel" sabi ko habang hawak ang kamay nya

Ngumiti sya ng sobrang lapad at napaluha. Nagulat ako ng mapahawak sya sa parte ng dibdib nya kung saan naroon ang puso nya.

"Cristel! Cristel anong nangyayari!" natatarantang tawag ko agad akong hinawi patabi ng mga dumating na doktor hindi ko napansin

"Cristel! Hindi si Cristel! Kailangan nya ako!" sigaw ko kahit pilit nila ako pinipigilan

"Doc" sabi ng isang doktor at umiling

Anong ibig sabihin?! Ano!

"Time of death?"

"Anong time of death?! Buhay pa si Cristel!!!" sigaw ko

"6:33 pm" sabi nila at iniwan si Cristel

"Hoy! Gamutin nyo sya! Cristel!!!" sigaw ko at hinagkan ang bangkay ng babaeng mahal ko

"Cristel!!!!!" humahagulgol na tawag ko hinihiling na sanay muli syang mabubuhay

NAKATULALA ako dito sa litrato ni Cristel sa burol nya. Hindi ko matanggap yung babaeng mahal ko wala na...

Biglang may kumalabit saakin

"Iho ipinabibigay ito ni Cristel sabi nya para lang ito kay Ranz" sabi ng ina ni Cristel

Tumango ako at pilit na ngumiti bago binuksan ang sulat.

Dear Ranz,
       Wag ka malulungkot pag nawala ako ha? We will meet again right? Haha gusto ko lang sabihin na sana makahanap ka ng babaeng mamahalin ka at aalagaan. Mahal kita Ranz mahal na mahal hindi ko kayang sabihin sayo ng personal kasi wala ng oras basta ingatan mo sarili mo ha.We will meet soon :>... I love you but goodbye to you

I love you Cristel we will meet again i promise...

-End

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now