In another life i would be your man

96 4 0
                                    

"IN ANOTHER LIFE I WOULD BE YOUR MAN"

"Booo!!" panggugulat ko kay Alair

"Tae nakakagulat ka!!" inis na sabi nito at pinaghahampas ako

"Aray! Tama na!—ah! Aba!" hiyaw ko

Bigat ng kamay eh potek!

"Ikaw kasi... San nga pala tayo pupunta ha?" tanong nya

"Sa bangin tapos tutulak kita" biro ko

Sinamaan nya ako ng tingin na ikinatawa ko lang sa huli.

This girl is so cute that's why i fell so hard.

---

Nandito ako ngayon sa mall at namimili ng ireregalo kay Alair it's her 18 birthday. So i decided to buy her a necklace.

Pagkatapos kong mamili ay agad din akong lumabas ng mall. And i was about to go inside my car when i saw her. Hugging a guy that i didn't know.

Napahigpit ang hawak ko sa paperbag ng hawakan ng laking 'yon ang pisngi ni Alair. Damn!

Mabilis kong pinunasan ang namalisbis na luha sa mga mata ko at mabilis na sumakay sa kotse.

ISANG LINGGO na rin ang nakalipas nuong birthday nya. Pero hindi ako pumunta. Hindi ako nagparamdam. Pain and anger is killing me.

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin sa cellphone ko na kanina pa nagriring.

Tumatawag ang mama ni Alair.

"Hello tita?" sagot ko

"Sean! Oh thank god sinagot mo! Alair need's you! Please she's in the hospital" natataranta, at humihikbi nitong saad

Dahil sa nalaman ay mabilis akong nagpunta sa hospital hindi na inalala ang aking itsura.

"Sean... Pang-anim na araw nya na rito sa hospital at imbis na gumaling ay lalo syang lumalala" umiiyak na ani ni tita

"What happened tita?" naguguluhang tanong ko

"Nung birthday nya, hinintay ka nya kahit pa napakalamig sa labas— s-sinabi kong makasasama 'yon sakanya lalo pa't may sakit sya--" humahagulgol ng ani ni tita

"A-anong sakit nya tita?! Tell me!" natatarantang sabi ko at mabilis na pinasok ang kwarto ni Alair

"Meron syang Brain Cancer s-stage 4" huling salita ni tita at tuluyan na syang nag iiyak.

Lumapit ako sa kinahihigaan ni Alair. She still look an angel kahit na namumutla na sya.

Umiiyak kong hinawakan ang kamay nya at hinalik-halikan ito. Naramdaman ko ng gumalaw iyon at magsalita ang hinang hina na si Alair.

"S-Sean d-dumating ka" sabi nya at akmang tatayo ng pigilan ko sya

"Im s-sorry Alair i-im sorry" humahagulgol na ani ko

Hinawakan nya ang uluhan ko at umiling.

"Wala k-kang kasalanan. I h-have a question" tanong nya

Agad akong tumunghay upang makinig.

"B-Bakit hindi k-ka pumunta sa birthday ko?" nakangiting aniya ngunit bakas ang matinding lungkot sa mga mata

Hinawakan kong maiigi ang kamay nya at duon tumingin.

"Nung nakaraan k-kasi— i saw you hugging a guy. Nasaktan ako non Alair, nasaktan ako kasi gusto kita! Gustong gusto!" pag amin ko

Nakita ko kung paanong tumulo ang luha nya.

"Shh don't cry im sorry Alair im sorry" sabi ko at niyakap sya

"It was just my cousin Sean" bulong nya

Napatingin ako sa namumungay nyang mga mata.

"Alair? What's happening? Alair look at me?" natataranta nang ani ko

Akmang tatayo na ako para tumawag ng doktor ng hawakan nya ako sa pulsuhan at sinenyasang yakapin sya.

"I l-love you s-so much S-Sean" mabagal na aniya

Humigpit ang yakap ko sakanya ngunit kasabay niyon ay ang pagbagsak ng kamay nya.

"Alair? Alair!! Wake up! Alair! Don't!!!" sigaw ko habang humagulgol

"You can't leave me! Alair!!"

Biglang nagsipasukan ang nurse at doctor. Inilayo nila ako kay Alair at pilit binubuhay ito hanggang sa nagsalita ang doctor.

"Time of death?"

"11:12 am doc"

Mabilis akong lumapit kay Alair at niyakap sya ng mahigpit.

"No! No!!! Alair please no!!" umiiyak na ani ko

Hinalikan ko sya sa ilong, pisngi maging ang labi nyang malamig at maputla ay hinalikan ko.

"I love you Alair. I promise in another life i would be your man" mahina at umiiyak na bulong ko

-End

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now