Can't you see me?

323 3 0
                                    

Can't you see me?
[PLAGIARISM IS A CRIME]

"Red ito lang ba?! Ito lang ang kaya mo?!" sigaw sakin ni mama matapos makita ang grado ko

"Ma ginawa ko naman po yung best ko" nakayukong sabi ko

"Best?! Wow! Ito na yung best mo?! Daig na daig ka ng mga pinsan mo!" sigaw nya

"Bakit hindi mo gayahin si Renz?! Halos kasing tanda mo yung pinsan mo na yun pero nangunguna lagi sa klase!" sigaw nya pa

Magsasalita na sana ako ng biglang may humablot sakin at pabatong inihagis sa sofa. Dahil sa lakas ay tumama ang likod ko napadaing ako sa sakit

"Ahh" daing ko habang nakatingin sa nagbato sakin

Si papa...

"P-pa" nauutal na sabi ko hawak parin ang likod

"Wala ka talagang kwenta! Dapat ay yung kakambal mo nalang ang nabuhay!" sigaw nya at sinampal ako

Matapos ng sampal ay isang sapak pa ang sumalubong sa pisngi kong namamaga na sa sampal.

Napabaling ang ulo ko sa kaliwa ng sapakin nya ako. Namamanhid na ang mukha ko sa sakit.

Napatingin ako sa mama ko pero parang wala syang nakita at umalis sa harap namin ni papa.

Tinadyakan pa ako ni papa sa tiyan pero wala na akong magawa...

"P-pa t--tama na p-po" umuubo ng sabi ko

"Tama na?! Ayos lang yan ng maalog ang utak mo at magkalaman naman kahit papano!" sigaw nya at hinampas naman ako ng sintoron

"Ahh!" daing ko sa paghataw nya

"Sa susunod na ganun pa ang grado mo papatayin na kitang bata ka!" sigaw nya at muli akong hinataw ng sintoron

"Ahh! T--tama na..." nanghihinang sabi ko

Bago pa tuluyang mawala ang malay ko ay nakita ko si mama na bumalik. Ngunit hindi para awatin si papa kundi para abutan ito ng dos pordos na tumama sa binti ko...

Bakit hindi nila ako makita? Hindi nila ako makita bilang ako?

LUMIPAS ang limang araw at medyo ayos na ang pakiramdam ko. Andito ako sa burol kung saan kita ang papalubog na araw at hinihintay ang pagdating nya.

Maya maya lang ay dumating na ang babaeng minamahal ko. Agad akong napangiti ng umupo sya saking tabi

"Red i have something to tell you" sabi nya

Kita ko ang pag aalala sakanyang mga mata

"Ano yun Yana?" nakangiting tanong ko

Inaasahang sasabihin nyang mahal nya rin ako.

"Red kasi nung time na--" hindi kona sya pinatapos at nagsalita akk

"Ako yung lagi mong kasama nahulog kana sakin?" nangingiting sabi ko

Hindi ko alam pero lalong bumakas ang pag aalala sa mukha nya

"Hindi red, nagkabalikan na kami ni Renz ng pinsan mo. Napatawad ko na sya" nakayukong sabi nya

"Bakit yana? Diba ayaw mo ng masaktan? Hindi naman kita sasaktan" sabi ko at hinawakan ang kamay nya

Hinawakan nya rin ang kamay ko at unti unting inialis ito sa kamay nya.

"Sorry red mahal ko Renz alam mo yun makakahanap ka rin ng babaeng para sayo" sabi nya at umalis sa harap ko

All this time? Hindi pa rin ako?

Agad nag unahan sa pagtulo ang luha ko sunod sunod ito at tila walang planong huminto.

Ngumiti ako sa kawalan saka napahagulgol.

"God! Why can't they see me?! Bakit palagi nalang yung iba?! Pano naman ako?!" sigaw ko habang humahagulgol

Bakit palaging sila Renz?! Bakit palaging sila?! Pwede bang ako naman?!

"Bakit ba hindi nila ako makita?! Eh nandito lang naman ako sa harap nila!!!!" sigaw ko habang puno ng hinanakit

"Nandito lang ako oh?! T*ngina ang lapit lapit ko!" muling sigaw ko

Ikaw nakikita mo ba ako?! Nakikita mo ba ang halaga ko?!

"Can't you see me?!!!!"


-End

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now