Underrated Writer

175 5 0
                                    

"Underrated Writer"

"Uy Cris underrated writer ka daw?" tanong ng pinsan kong isa na sa mga sikat na manunulat

"Oo eh" sabi ko habang napapakamot sa batok

"E diba madaling sumikat ang writer pag lalaki? Lalaki ka naman ah" sabi nya

Ngumiti ako bago sumagot

"Hindi naman porke lalaki ka madali kang sisikat. Kailangan mo ding paghirapan nasa mga gawa mo yan" sabi ko

"Ano kaya kung gawin mo yung ginawa ko dati? Para sumikat ka na din" sabi nya at tinapik ang balikat ko

Agad nangunot ang noo ko ano bang ginawa nya dati?

"Ano bang ginawa mo dati?" nagtataka paring tanong ko

"Plagiarized. Yes nagnakaw ako insan pero nung sumikat na ako dun na ako bumuo ng sariling gawa ko" sabi nya agad akong napabitaw sa pagkakahawak nya

"Kahit hindi ako sikat hinding hindi ako magnanakaw. Kasi kung talagang manunulat ka gagawa ka ng sarili mong akda"

Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako sa harap nya at umuwi. Kailangan ko pang mag update. Alam kong iilan lang ang mambabasa ko pero atleast

Nang nasa kwarto na ako ay nag online ako sa rpa. Agad bumungad saakin ang napakadaming notif. Nagtaka ako at the same time nag assume na baka napansin na nila ang gawa ko.

Ang kaninang ngiti ko ay nawala at halos manlumo ako sa mga nabasa kong comments sa gawa ko.

"Magnanakaw!"

"Well ano pa nga bang aasahan eh hindi sikat!"

"Oo nga! Tignan nyo guys eto yung ginaya nya! Si idol Tom"

Ilan lang sa comments na nabasa ko pero ng makita ko ang rp name ng pinsan ko ay agad ko itong inistalk.

Ginaya nya ang dalawang akda ko. Dahil gusto nyang sirain ako.

Maya maya lang ay may nagchat saakin.

Si tom

"Yan ang napapala mo. Bakit akala mo sisikat ka ng hindi ka nagnanakaw? Ulol! Managinip ka! Kung ako sayo aalis na ako sa rp at di na magsusulat tutal wala ka namang mangbabasa"

Tahimik akong napaluha sa nabasa ko. Sinabi ko lang naman sakanya yung totoo pero sya pa ang nagalit.

Ginawa ko ang sinabi nya. Nilisan ko ang rpw at hindi na nagsulat pa.

5 years later

"Hala idol Cris! Dati ka daw na nasa rpw?" tanong ng isang fan ko

"Oo haha pano mo nalaman?" nakangiting tanong ko

Habang medyo nasisilaw sa kaliwa't kanang flash ng camera.

"Secret nalang po sa source pero ang nalaman ko'y UNDERRATED WRITER ka noon? Paano ka po nagpatuloy?" tanong nito

"Ah yun ba? Ginawa kong tungtungan yung pinagdaanan ko. Nung maakusahan akong nagnanakaw ng gawa ng iba sa rpw umalis ako doon at gumawa ng acc sa wattpad na same name sa new rp acc ko. Sumulat ako don kahit sa una'y walang mambabasa." nakangiting sabi ko

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"May nakapagsabi sakin hindi daw ako sisikat ng hindi nagnanakaw? Haha pero heto ako ngayon sumikat sa sarili kong mga akda. At patuloy na magsusulat para sa mga mahal kong mambabasa" nakangiting sabi ko

"So idol Cris anong masasabi mo sa mga Underrated writer ngayon? At sa mga mahilig mag Plagiarized"

"Para sa mga underrated writers? Wag kayong susuko! Wag kayong magnakaw para lang sumikat gumawa kayo ng sarili nyong akda dahil jan unti unti kayong makikilala basta't magtiwala at wag sumuko. Patuloy kayong magsulat kahit maraming balakid! Sulat lang kapatid!"

"--- Sa mga mahilig magplagiarized jan? Stop doing that. Hindi nyo pinapakitang manunulat kayo bagkus ipinapakita nyong pagiging sikat lang ang nais nyo. Ang tunay na manunulat ay may sariling akda. Stop plagiarized someone's piece even if she/he is an underrated writer or not" mahabang sabi ko

"Narinig nyo si idol guys! Keep writing co writers!!"

Kung nagpadala ako sakanila siguro wala ako dito. Kung hindi ako muling nagsulat siguro'y wala ako ngayon sa kitatayuan ko.

Ang dating underrated writer na tulad ko ay isa na sa pinakasikat na manunulat sa bansa.

Sa mga underrated writers out there? I'm proud of you kasi kahit gaano kahirap ang walang mambabasa nagsusulat parin kayo. Ipagpatulot nyo't darating ang araw na makikilala rin kayo!

Keep writing kapatid!

-END

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now