Ay barbie!

126 2 0
                                    

"Ay barbie!"

"San ba tayo pupunta yana?" naiiritang tanong ko sa bunsong kapatid ko

"Kuya may barbie kasi akong nakita dun!" sabi nya

"I'll buy you a new one nalang kaya tara na uwi na tayo" sabi ko at pilit syang hinihila pabalik

"Pero kuya..." nagpapaawang sabi nya

Sinungitan ko sya at hinila na pauwi ng maya maya lang ay umiyak sya.

"Huhuhu di mo na ako lab wahhh!!! Huhuhu"

"Shh fine fine. Tara na tsh" napipilitang sabi ko

Agad nagliwanag ang mukha nya at tatalon talon na naglakad.

"Ayun kuya oh! Di ko kasi abot" nakangusong sabi nya

Nasa taas kasi ng puno ang barbie may kagandahan rin naman ito kaya siguro nagustuhan ng kapatid ko.

"Here. Bakit gusto mo pa yan eh madaming mas maganda jan sa mall" sabi ko

"Basta kuya hehe" sabi nya at niyakap pa ang barbie

Tsh ano bang maganda don?

NANG makauwi kami ay nasalubong namin sila mama na papasok ng trabaho. Tsk panggabi nanaman sya kaming dalawa nanaman ni Yana ang maiiwan sa bahay.

"Be a goodgirl to kuya okay baby?" sabi nito habang tinatap ang uli ni Yana

"Yes po mama" sabi ni Yana

Umalis na si mama kaya pinakain ko naman na ng dinner si Yana.

"Kuya? San ako matutulog" tanong nito habang inaayos ko ang pinagkainan nya

"Saan pa edi sa kwarto mo" sabi ko

"Eh kuya natatakot ako wala si mama" sabi nya

Napabuntong hininga ako bago magsalita uli

"Fine dun kana matulog sa kwarto ko" sabi ko na ikinangiti nya

Nang matapos ako maghugas ay pumunta na kami sa kwarto.

"Oh bat jan mo ilalagay yan?" nagtatakang tanong ko

"Syempre kuya para makatulog din ng maayos si barbie" ngiting ngiting sabi nya habang kinukumutan ang manika

"Bahala ka mamaya gumalaw yan" pananakot ko kunwari pero dinilaan lang ako nito bago nagsimulang matulog

NAGISING ako ng may marinig akong mahinhin na tawa. Akala ko guni guni ko lang pero ng pagmulat ng mata ko ay nasa harap kona mismo ang barbie!

Agad akong napaatras dahil sa kaba shet!

"M-ma? T-tulong.." mahinang salita ko

"Hihihi hi kuya" salita ng barbie sa nakakakilabot na boses

Maging ako ay tinablan na ng takot ng pumangit ang itsura nito. Mas gumulo ang buhok at puro dugo ang mukha!

"W-Wag kang lalapit!" nanginginig ng sabi ko

Muli itong tumawa ng nakakakilabot. Sa pagkakataong yon ay biglang lumaki ang bibig nito! Puro dugo at matatalim na ngipin!!!

"Ahhh!!!! Mamsiee!!!! Tulongan nyo akesh!!!!!" tili ko ng hindi kona napigilan

Muling lumapit ang barbie kaya napatili akong muli

"Ayyy ahhhh!!!!"

Napapikit ako habang tumitili sa takot.

"Ay barbie!!! Sabi ko na barbie si kuya mama eh!" isang tinig na narinig ko at nakita ko sa pinto si mama at yana!

"Okay ka lang sissy?" panggagaya ni mama sa boses ko

Yawa!!!!

Pota ines buko na ang beauty ng lola nyo mga sistah!!!!

PLAGIARISM IS A CRIME. DON'T PLAGIARIZED MINE, MAKE YOUR OWN PIECE. Open for Critic.

Fiction only*

-END

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now