Panakip Butas

218 3 0
                                    

"Panakip Butas"

"Krine? Can i court you?" biglaang tanong ng kaibigan kong si Kile

"Ayos ka lang bro? Utak mo ata may ubo" biro ko

"Hindi seryoso ako Krine, lalo na sayo" banat pa nya

Yawa! Di porke matagal ko na syang gusto e papayag ako abugh

"Gagi kakabreak nyo lang ni Seah ah" sabi ko pa

"Eh ano naman? Gusto kita eh" sabi nya

Hindi ko alam ang isasagot ko. Natatakot akong baka masaktan lang ako sa huli. Na baka kung kelan hulog na hulog na ako saka sya aalis.

Pero i need to take a risk. Matagal ko naman na syang lihim na minamahal

"Uhm sige na nga" sabi ko

"Talaga? YES!" sabi nya at sumuntok pa sa hangin sa sobrang tuwa

SA nakalipas na dalawang buwan ay sinagot ko sya. Sobrang saya nya akala mo nanalo sa lotto HAHA.  Today is our 2nd monthsarry ang bilis nga naman ng araw.

Bawat araw na dumadaan ay lalo akong nahuhulog sakanya. Pakiramdam ko nasa pinakailalim ako at mahirap ng umangat pa

"Saan mo gustong pumunta Bab?" tanong nya habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa mall

"Kahit saan basta kasama kita" nakangiting sagot ko na nagpangiti rin sakanya

Papasok na sana kami isang restaurant ng makita namin ang ex nyang si Seah. Katabi lang ito ng lamesang walang tao.

"Uhh sa iba nalang tayo?" tanong ko

Umiling sya bago nagsalita.

"No Bab, okay lang na dito tayo para makita nyang naka move on na ako" sabi nya bago ako hinila papunta sa lamesa

Mag isang nakaupo si Seah habang kumakain ng steak. Kita ko rin ang medyo mamula mula nyang ilong parang kagagaling lang sa iyak.

Nang makaupo kami ay napatingin sya sakin bago sa kasama ko. Kita ko ang gulat sa mukha nya.

"What do you want?" nakangiting tanong ni Kile

"Anything will do Bab" nakangiting sagot ko rin

Nang matapos syang umorder ay nakita kong napadako ang tingin nya kay Seah. Parang sa pamamagitan nyon ay naguusap sila.

Ilang minuto lang ang hinintay at dumating na ang order. Agad kaming nagsimulang kumain ng tahimik. Samantalang dati ay madaldal pa sya saakin.

Kita ko rin mula sa gilid ng mga mata ko kung paano syang bumaling ng tingin kay Seah.

Hindi ko nalamang iyon pinansin ay nagtuloy na sa pagkain.

---

It's our 5th monthsarry today pero pakiramdam ko'y wala na ako sakanya. Napatitig ako sakanya ng bigla syang tumayo

"Bab san ka pupunta?" tanong ko

"Bab?" pagtawag ko ng di sya sumagot

Muli ko sana syang tatawagin ng magsalita sya.

"Krine, let's end this" walang lingunang sabi nya

Agad akong napatayo at humarap sakanya.

"You're joking right? Haha di maganda biro yan Bab ha--" hindi ko natapos ang sasabihin ng singhalan nya ako

"Please Krine! Kahit ngayon lang umintindi ka naman ng maayos!" singhal nya napaawang ang labi ko sa gulat

"Thanks for everything Krine, goodbye" sabi nya at tinalikuran ako

Hindi ko sya hinayaang makalayo at agad ko syang niyakap.

"K-kile, p-please don't do this. Y-you love me right?" humahagulgol na sabi ko habang nakayakap parin sakanya mula sa likod

Tinanggal nya ang kamay kong nakayakap sakanya at hinarap ako.

"Those i love you's is a lie. I don't love you Krine. Akala ko kapag naging tayo mamahalin kita pero i can't! I still love Seah. And yes ginamit lang kita Krine." sabi nya na tuluyang nakapagpadurog sa puso ko

Dahan dahan nya akong binitawan hanggang sa tuluyan na syang umalis. Sobrang bigat ng kalooban ko. I knew it!

Panakip butas lang ako. Ginamit nya lang ako! I'm so stupid!

-END

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now