His Secret

182 1 0
                                    

" His   secret "

"Hi guys! I know na gabi na pero ngayon ko lang nasundan si crush ih hshs shh lang kayo" sabi ko sa harap ng camera

Oo nag ba-vlog ako habang sinusundan ko ng palihim si Treyton ang crush ko ehe. Ang gwapo nya talaga

Galing sya sa rooftop kanina eh dunno why. Ngayon papasok na sya sa bahay nya. Agad akong sumunod hanggang sa gate

"So ayan guys malapit na tayo makapasok yieee!" kinikilig na sabi ko sa camera

Ng biglang may magsalita mula sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito?" napakalalim ng boses nito

Sa gulat ko ay nabitawan ko ang phone ko at di ko na nakita. Hinarap ko si Treyton

"Uhh following you? Hehe" nahihiyang sabi ko

"And why are you following me?" seryoso paring wika nito walang mababakas na emosyon

"K-kasi a-ano uhm g-gusto kasi k-kita Treyton" napapayukong sabi ko

Nagulat ako ng hawakan nya ako sa balikat dahilan para mapatingin ako sakanya. Abot tainga ang ngiti nya na ikinaawang ng labi ko

Omooo why so gwapo!!

"Talaga?" nakangiting tanong nya

Tumango ako at ngumiti ng malapad. Hinapit nya ako sa bewang at hinagkan ang pisngi ko

Napatingin ako sa mata nya hanggang sa maramdaman ko nalang ang malambot na labi nya sa mga labi ko.

---

Nang gabing iyon ay may nangyari saamin. Alam kong mali ang ginawa ko lalo na't crush ko lang sya pero nadala ako.

Hindi ko maiwasang ngumiti habang naglalakad pababa sa basement ng bahay nya. Nililibot ko kasi ito.

Nakangiti akong bumaba roon habang inaalala ang bawat sandali ng pag iisa namin. Ngunit lahat ng ngiti ko'y nawala ng makita kung ano ang nasa basement.

Umawang ang labi ko't nanlalaki ang mata. Maging ang dibdib ko'y naninikip at hindi makahinga!

What the fuck?!

Puro dugo ang sahig. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang namalayan kong nakarating ako sa harap ng washing machine. May bakas ng dugo rito!!

Binuksan ko ang takip at halos maduwal ako sa nakita!! Putol putol na katawan ng tao!!

Hindi ko alam kung sino!! Damn! Kailangan ko ng umalis rito!!

Napatingin ako sa gawing madilim at binuksan ang switch ng ilaw. Napaupo ako sa gulat at napahawak sa bibig sa nakita.

Mga bangkay! Nakasabit! Tila kakatayin na parang baboy!!

Nagmadali akong tumayo at balak ng lisanin ang bahay na yon ng makasalubong ko sa hagdan ng basement si Treyton!

"Ah eh uuwi muna ako crush ha? Babalik ako" pilit ngiti na sabi ko habang paatras na naglalakad

Nasa loob na kami ngayon ng basement. Walang emosyon ang mukha nya!

"Alam mo na? Tama ba ako?" malumanay na sabi nito habang pinaglalaruan sa kamay ang palakol na hawak

"A-alin?" nauutal sa takot na sabi ko

"Ang sekreto ko" nakangising sabi nito

Tila nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan sa takot. Sh*t!

"H-hindi ah! May kukunin lang ako--" napatigil ako sa pagsasalita ng sumigaw sya

"WAG KA NG MAGSINUNGALING!! KAGAYA KA RIN NILA!!" sigaw nito nanlalaki ang mga mata

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa! Natatakot ako!

Umatras ako ng umatras

"H-hindi ako katulad nila" mahinang sabi ko

"Kagaya ka rin nila Ella. Iiwan mo rin ako! Hindi mo ako minahal! Hindi nyo ako mahal!! Kung hindi nyo ako kayang mahalin papatayin ko nalang kayo" nakangising demonyo na sabi nya

Tulayan syang nakalapit sakin. Akmang pipigilan ko na sya ng ibaon nya sa tagiliran ko ang palakol!

"Ahhhhh!" sigaw ko sa sakit

"Magsama sama tayo sa impyerno" tila nababaliw nang sabi nya  at sunod sunod na ipinalakol sakin ang palakol!

Mabilis na nanghina ang katawan ko dahil sa  nawalang dugo.

"T-tama n--na" hinang hina na sabi ko at sumuka ng dugo

"I like you too Ella" nakangiting sabi nya at hinalikan pa ako sa nuo

Bago nya sinibak ang leeg ko.

"Trey---t--ton.."

And everything wents black.

-End

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now