Cheer up!

516 9 0
                                    

Cheer up!
[PLAGIARISM IS A CRIME]

"Sil ayos ka lang?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Ang sakit sakit Traj." umiiyak na sabi n'ya.

"Shhh ano bang nangyari? Makikinig ako..." nakangiting sabi ko habang hinahagod ang kan'yang likod.

" 'Yung boyfriend ko kasi... N-Nakipag break sa'kin..." sabi n'ya at muling humagulgol.

"Shhh iiyak mo lang 'yan Sil andito lang ako.." sabi ko at mahigpit siyang niyakap.

"Ang sakit Traj eh! Lagi ko s'yang iniintindi pero no'ng ako nagkamali? Break agad?! T-Traj mahal ko s'ya eh mahal na mahal. H-Hindi k-ko kayang m-mawala s'ya" sabi n'ya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Cheer up! I know na masakit 'yang pinagdaraanan mo pero malay mo? Hindi pa tapos ni God ang lovestory mo. He has a plan for you, for everyone so keep on holding tight to him, to God." nakangiting payo ko.

"H-Hindi Traj s'ya lang ang gusto ko ayoko ng iba..." umiiyak n'yang sabi .

"Sa ngayon... You know everything happens for a reason Sil. May mga tao talagang darating sa buhay mo either they stay, hurt you or give lesson to you. So don't lose hope darating din ang taong para sa'yo okay? 'Yung hindi ka iiwan so Cheer up! Basta nandito lang ako lagi sa tabi mo handang makinig kapag kailangan mo ng masasabihan." sabi ko at muling hinagod ang likod n'ya.

Tumango s'ya at ibinuhos lahat ng luha n'ya.

Lumipas ang kalahating oras at nakangiti na s'ya saakin ngayon.

"Thank you, Traj gumaan ang loob ko at nalinawagan din ako. Siguro nga hindi pa s'ya ang taong para saakin." nakangiting sabi n'ya.

"Mm, kaya always think positive okay?" sabi ko.

"Thanks, Traj ikaw din 'wag kang mahiya mag-open up sakin ha.." sabi n'ya at tumango ako.

Umalis na s'ya at ako nalang mag isa rito. Tulad ng dati mag-isa na naman ako.

Walang nakakapansin ng mga problemang dinadala ko. I always cheer them up dahil ayokong maramdaman nilang nag-iisa sila. Ayokong maramdaman nila ang nararamdaman ko.

Yes, they always say that they are always here for me. Pero kapag mag-oopen up na ako saka naman sila magkukwento ng masasayang bagay tungkol sakanila. I don't want to ruin the moment. Ayokong makadagdag sa iniisip nila.

Maybe this is my role in this world to cheer them up. Kahit down na down na ako.

-End

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now