Our friendship will never end

114 1 0
                                    

Our friendship will never end


NAGPUPUYOS ako sa galit na tinungo ang condo unit ni Jastin. Hayop na lalaking ‘yon! Ginawa pa akong kabet!

Akmang hahawakan ko na ang doorknob ng bigla itong bumukas at ang pulang-pula sa galit na mukha ng lalaki ang aking nakita. Kaagad ring nag-init ang ulo ko ng makita si Jastin sa likod niya.

"Siya ba ‘yung kabet mo?!" Halos sabay naming sigaw ng lalaki.

Pareho kaming nagkatinginan na maging si Jastin ay nataranta.

"Anong kabet! Baka ikaw ang kabet!" Inis na sigaw ko.

"Ay bruhilda ka! Nauna ako sakanya! Bakit nabili mo ba s’ya ng mamahaling motor ha!?" Bulyaw nito.

Aba’t!

"Can you just shut up!" Sigaw ni Jastin na nakapagpatigil saamin.

Sumama ang mukha ko at nilapitan siya bago binigyan ng mag-asawang sampal.

"That's not enough for me to shut up." Bulong ko at tinuhod ang pagkalalaki niya.

"Omy! Jastin! How dare you! Ikaw na nga ang kabit—" napatigil siya sa pagsasalita ng may sumulpot na isa pang babae sa likod ko.

"Love!" Sigaw nito at kaagad dinaluhan si Jastin.

Dahan-dahan silanv tumayo bago kami sabay na tinapunan ng tingin ni Jastin.

"I'm sorry Leo and Cai. Pareho kayong kabet," sabi nito na nagpalaglag ng panga naming dalawa ng lalaking ngayon ay katabi ko na.

"This is Ivy, my real girlfriend who doesn't get tired of me. I'm sorry Love." Sabi nito at hinalikan pa sa harap namin ang babaeng nakatulala rin.

Napairap ako at tinalikuran sila mga kigwa!

Inis akong umupo sa parkeng narating ko matapos maglakad-lakad. Kailangan kong magbawas ng galit kung hindi baka kung kanino ko na naman ito maibunton.

"Yawa ka, Jastin! mabaog ka sana! Hayop! Hayop!" Sigaw ko sa inis at sinisipa ang maliliit na batong nakikita ko.

"Aray! Shutakels sino yon!" Matinis na tili ng kung sino.

Hala! Nakatama ata ako ng bato! Napayuko ako at napakagat labi hanggang sa maramdaman ko ang presensya ng kung sino.

"Sis hindi naman siguro kailangang sumipa ng kay lakas ay no? Masisira ang beauty ng hair ko!" Maarteng sabi nito.

Napaangat ako ng tingin at pareho kaming nanlaki ang mata ng makilala ang isa’t isa!

"Ay shutakels ‘yung kabet!" Sabi niya.

Nangunot ang noo ko at binato mismo siya ng maliit na bato.

"Kabet ka rin remember?" Pairap na sabi ko.

"Ay mashunget ang ate mo. Sorry na baklush." Sabi nito at tumabi ng upo saakin.

Nangunot ang noo ko at bumaling sakaniya.

"So gaano kayo katagal ni kigwa?" Tanong ko, out or curiosity.

"3 years ‘te." Sagot niya sabay kain ng Vcut na dala niya.

"Shems nauna ka nga, naunang maging kabet." Sabi ko at natawa.

Bumaling siya saakin at sinamaan ako ng tingin.

"Atleast mas maganda ako sa totoong girlfriend!" Sabi niya at inayos ang buhok.

Kung titignan mo siya ay aakalain mo talagang lalaki siya ‘yun nga lang sablay sa boses dahil sa tinis nito maging ang balakang ay magalaw sa paghakbang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOTS Where stories live. Discover now