Chapter Sixteen

256 16 1
                                    

⍟HARLEY⍟

Binuksan naman ni Ken ang pinto ng kotse sa side ko and offered his hand. I chuckled at saka kinuha iyon bago bumaba ng kotse.

"What a gentleman." I said and that made him chuckle also.

"May plus points na ba ako sayo?" He asked habang naglalakad kami papasok ng venue.

"Plus points sa impyerno meron." Sagot ko.

He snickered. "Gemma was right, ang hirap mong aliwin." He commented.

"Aliwin? so entertainer ka na ngayon di ka na pulis?" Pambabara ko dito.

"Gusto mo ba?" He asked at dumako naman ang kamay niya sa butones ng longsleeve na suot niya. My eyes widened at saka sinuntok ang braso nito.

He hissed in pain at saka hinimas ang braso niya. "Grabe mukhang mamamaga to." He said and I rolled my eyes.

"Don't be such a baby." I said as I walked towards the chairs.

"Masakit naman talaga!" Pahabol nito bago sumunod sa akin.

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang host sa program and he introduced the newly wedded couple then the program starts to flow smoothly.

A small smile crept into my face when I saw the two danced for the first time as husband and wife.

And again, I thought. When kaya?

"Sana all!" Sigaw naman ni Lyka na mukhang nalasing na sa champagne. Pilit naman siyang inaawat ni Kia at Mikhail nang akmang kukuha pa ito ng isa pang baso ng champagne.

"Remind me to not invite her kapag ikinasal ako." I said ng tumabi si Gemma sa akin.

"Ah so balak mo din pala magpakasal." She said.

"Yeah, I just realised that." I said with a chuckle. "Ikaw ba?" I asked.

Gemma glanced at the newly wedded couple and something crossed in her eyes.

"Gusto, pero mukhang malabong mangyari yon." She said quitely and that made my eyes go wide.

"Wait what? who the fuck is that man!?" I asked at saka hinawakan ito sa magkabilang balikat at iniharap sa akin. "Who. Is. He.!?" I asked again.

"Harley!" Natatawang turan naman nito at saka inalis ang mga kamay ko sa balikat niya. "Nope, hindi natin pagu-usapan to ngayon." She said at saka kumuha ng dalawang baso sa waiter na dumaan.

"Kaibigan mo naman kami ah! why are you so full of secrets?" I asked and that made her laugh again.

"Because I'm awesome, here, have a drink." She said at saka iniabot sa akin ang isang baso ng champagne.

"Tch. Way to avoid the topic." Reklamo ko at saka sumimsim sa champagne.

"I told you I'm awesome." She added then winked at me.

Tumingin naman ako sa paligid and I saw Jack talking to the girls from our organization. Good for him, kahit papaano ay natututo na siyang makipag-communicate sa ibang tao.

"Still didn't have a closure after the argument?" Gemma asked nang mapansin na nakatingin ako sa binata.

"He just turned his back on me when he saw me on the hallway of the infirmary." Sagot ko at tumingin kay Gemma. "Gusto niya pa rin ba umalis?" I asked.

"Jaypee and I convinced him to stay for awhile since hindi pa natin kilala kung sino ba ang kalaban natin ngayon." Gemma explained at tumango-tango naman ako.

The FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon