Chapter Eight

285 18 0
                                    

HARLEY

My hunch was right, hindi alikabok ang nagpapabahing sa akin. It was a gun powder.

At mula iyon sa lalaking ito.

I have this weird allergy in a gun powder kaya hindi ako masyadong gumagamit ng baril kapag may mga missions ako.

"At sino ka naman?" Mataray na tanong ko sa lalaki. Sumama naman lalo ang tingin niya sa akin.

And I realized na may hawak itong bakal na baseball bat.

"Umalis na kayo dito." He said at tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Sa pagkaka-alam ko patay na ang may ari ng bahay." I answered.

At mukhang dahil doon ay mas lalo itong nagalit kaya mas naging mabilis ang paghampas niya sa akin ng iron bat at mas mabilis naman ang naging pag-iwas ko dito.

Because the last thing that I want to feel is the pain from the hit of an iron bat.

Napamura naman ako at ginamit na pansalag ang mop na naabot ko, I pushed him back and hit his stomach using the tip of the handle then I turn the mop at hinampas naman sa ulo niya ang kabilang dulo nito.

He groaned in pain at bahagyang napa-atras dahil sa ginawa ko habang ako ay hinintay ang mga susunod niyang galaw laban sa akin.

Analyzing in the key.

"Just who the hell are you?" Tanong ko ulit dito.

"Hindi mo na kailangang malaman!" Pasigaw naman na sagot nito.

"Oh, okay Mr. Bald with an iron bat." I said at mabilis na sinipa ito sa dibdib, dahil doon ay napa-atras ulit siya at tumama sa cabinet kung saan nandoon ang mga babasagin na gamit and that made a loud noise.

I dodged when he swings his bat again then I did a round-house kick on his face bago siya malakas na sinuntok sa tiyan.

He succesfully grabbed my neck and he switched our position, I groaned ng maramdaman ang marahas na pagtulak niya sa akin sa cabinet.

I groaned again ng iumpog niya ang ulo niya sa akin. That shit hurts a lot!

Iniiwas ko naman ang ulo ko nang makitang iu-umpog niya ulit ang ulo niya sa akin.

"Not again, you motherfucker." I mumbled then I grabbed his arm and I lifted myself up before wrapping my thighs around his neck at pareho naman kaming bumagsak sa sahig.

Mas hinigpitan ko naman ang pagkaka-pulupot ng mga hita ko sa leeg niya and I twisted his arms harder.

He screamed in pain at kasunod naman noon ay ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"Harley!? are you okay?" Dinig ko na tanong ni Ken sa akin mula sa kabilang panig ng pinto.

Hindi naman ako nag-abalang sumagot at inialis ang hita ko na nasa leeg ng lalaki but I immediately did a headlock.

"Listen here you little shit." I whispered in his ear. "I can break your neck right here, right now if you don't answer my question." I said at mas hinigpitan ang headlock ko sa kanya.

"Harley?" And that was Jack's voice.

I glanced at the door at may nakaharang na kung ano doon kaya hindi nila mabuksan mula sa labas.

"Who are you?" I asked.

"H-hindi na dapat kayo pumunta dito." Ani naman ng lalaki.

The FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon