Chapter Six

326 21 2
                                    

HARLEY

"Can you please tell me the reason kung bakit ka nasa bar?" I asked as I sat on my sofa habang si Jack ay nasa katapat na sofa at nakahiga.

"Hmm..." He hummed. "I was... having a time of my life." He answered at tumaas naman ang kilay ko sa sagot niya.

"Dabat ba matuwa ako diyan sa sagot mo?"

"I'm not even joking."

I let out a huff and crossed my arms. "So sa tingin mo joke lang ang lahat ng nangyayari sayo?" I asked, and he chuckled humorlessly.

"Kung pwede lang, sana joke na lang lahat." He said, and I saw a faint smile on his lips. "Sana nga..." He whispered.

"Then bakit nakuha mo pang mag-bar, alam mo na delikado ang buhay mo." I scolded.

Actually pinipigilan ko lang ang sarili ko na hampasin ng vase ang isang ito pero kailangan kong gumawa ng magandang impression sa kanya.

So that he can trust me.

"Because I want to be back in my normal self just for one night." He answered at saka tumingin sa akin. "Yung pwedeng gawin ang kahit na ano nang hindi naga-alala kung may gusto bang pumatay sa kanya or what...n-nakakasawa ng magtago at tumakbo mula sa mga kalaban na hindi ko naman kilala." He added then let out a sigh at saka inalis ang braso niya na nasa mata niya.

"Bakit ko nga ba sinasabi to sayo? you won't understand me by the way." He mumbled.

Oh Jack, if you only knew.

"You are in my house now and I deserve to know what is your situation." I answered.

"No...not another person again..." He mumbled at saka bumangon mula sa pagkakahiga.

"What do you mean?" I asked in confusion.

"Please...a-ayoko ng may madamay pa ulit dahil sa akin." He plead.

Ilang segundo ko naman siya tinitigan and I saw a sincerity in his face and eyes.

"No." Sagot ko and I crossed my arms again. "I will help you at ako lang ang nagi-isang tao na pwedeng makatulong sayo." I added.

"What will you do? you will fight those bad guys? oh please." He said rolling his eyes.

"Are you being sexist right now?"

"I am not, I mean...look at you, you're..."

"I'm what?" I asked in confusion.

"You're beautiful..." He admitted at napahinto naman ako sa sinabi niya.

Dahil wala pang nagsasabi sa akin ng salitang iyon bukod sa mga kaibigan ko.

Napakurap-kurap naman ako at naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko.

Well, he is nice naman pala.

"Hindi nga ako naniniwala na miyembro ka ng Airforce eh." He added.

Okay, nevermind, binabawi ko na ang sinabi ko kanina.

"Are you insulting me?" I asked and I saw his eyes widened in panic.

"N-no! I mean...I'm being honest you know, kahit sinong makakita sayo hindi sila maniniwala na sundalo ka." He explained.

I chuckled when I saw his reaction.

The FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon