Chapter 1

166 6 0
                                    

"So you mean tayo lang ang lilipat sa Manila and Khloe will stay here?"

"Yes, your lola needs her and mas okay siya dito. Away from pollution" sagot ni mommy sa akin.

Dad died one week ago and we need to operate our business at Manila. I have also a small business here in Bohol. Perfume business.

Wala akong choice kung hindi ang lumipat sa Manila. Pero itutuloy ko pa din doon ang business ko.

Iyon na ang kasunduan namin ni mommy. Sasama ako sa kaniya sa Manila and she will support my business.

Sanay naman na ako dito sa Manila kaya walang problema. The only problem is. Papasok ako sa bagong school.

"You want me to go with you?" tanong ni mommy habang nag aayos siya ng gamit sa bahay namin dito sa Manila.

Kadadating lang kasi namin kanina and I need to go to Castro-Fuego para makapag enroll for senior high.

"Its fine. I can handle it. Malapit lang ba dito yung CFU?" pag tatanong ko naman habang inaayos ang lace ng sapatos ko.

"Yeah. Isang jeep lang"

"Jeep?"

"Oo jeep. Bakit hindi ka ba nasakay sa jeep sa Bohol?"

"Mommy, iba sa Bohol, iba sa Manila"

"Then take a taxi"

"I'll go na" sambit ko tsaka humalik sa pisngi niya bago lumabas sa bahay.

Buti na lang at may taxi sa loob ng village dahil mukhang may ibinaba din ito dito kaya hindi na ako nag lakad palabas.

"Sa CFU po" sambit ko sa driver.

Pinag masdan ko naman ang daan, tahimik lang at madaming puno, may iilan ding coffee shop at kainan.

Maaliwas ang paligid kahit tanghaling tapat dahil nga sa malalaking puno, tahimik din at bahagya ang nakikitang estudyante dahil hindi pa naman nag sisimula ang school year.

"Andito na po tayo ma'am" sambit ng driver kaya naman inabot ko ang bayad ko sa driver

"Salamat po" sambit ko tsaka tuluyang bumaba ng taxi tsaka pumasok sa school.

Tinanong pa ako ng guard kung anong sadya ko kaya sinabi ko na for enrollment at pinapasok na din naman ako.

Malawak din ang university, madaming facilities. Nadaanan ko din ang gymnasium nang papunta ako sa admin office

Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.

"Goodafternoon po" bati ko tsaka lumapit sa isang lalaking nakaupo sa swivel chair.

"Goodafternoon, have a seat" sambit nito sa akin

Mukhang bata pa siya para maging school admin, kaya binasa ko ang nakasulat sa glass name plate

AYDEN JOAQUIN FUEGO
School Admin

"I'm here for senio---"

"Oh Lucas, kanina ka pa dito?" napalingon ako ng bumukas ang pinto ng opisina

"Ninong" bati ng binata tsaka nag mano dito

Napakamot na lang ako sa batok dahil medyo nahiya ako na inisip kong siya ang school admin.

"Yes, ija? " baling sa akin ng bagong pasok

"I'm here po for senior high enrollment" sambit ko na medyo nahihiya pa

"By the way, I'm the school admin and inaanak ko ito" turo nito sa binata

Pero umiwas ako ng tingin sa kaniya

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon