Chapter 15

19 2 0
                                    

Hindi ata napagod ang nga ito sa party at swimming dahil patuloy pa sa pag kukwentuhan kahit anong oras na.

Dalawa ang kama sa kwarto na kinuha ni Atasha, at kami ang mag katabi sa isa.

Si Raige ay nag decide na sa sofa bed matutulog at ang kambal ang mag katabi sa isang kama.

Nahiga ako sa kama habang si Atasha ay nakaupo. Nakinig lang din ako sa usapan hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

"Goodmorning!"

Nagising ako sa boses ni Atasha at sa pag tama ng araw sa mata ko ng hawiin ang kurtina ng bintana ng hotel room.

"Goodmorning guys" sambit ni Acxel

"Goodmorning" Lucas greeted with his husky voice tsaka tumayo sa kinahihigaan.

"Goodmorning guys. I'm going already. Okay lang ba?" tanong naman ni Raife na kalalabas lang ng bathroom

"Kagigising ko lang Raige" sambit ko

"Emergency lang sa business, Lienel"

"Sa amin ka na sumabay Lienel. Susunduin ako ni daddy" sambit naman ni Atasha

"I really need to go" sambit ni Raige tsaka lumapit sa akin "ingat kayo" tsaka nya marahang ginulo ang aking buhok

"Ingat ka" I smiled.

Hinatid ko pa siya hanggang sa pag labas ng room.

Pinauna naman kami ng mga lalaki na maligo at nakauwi na din.

Nag bawi naman ako ng tulog ng makarating sa bahay at nag padeliver ng lunch dahil mag isa na naman ako dito sa bahay.

Since malapit na ako mag college ay naiisip ko na din mag condo para malapit sa school tsaka sa main office ng La Perfume.

Nag linis lang ako ng bahay tsaka nag padeliver uli ng dinner at tinapos lahat ng requirements ko para makatulog din ng maaga.

Sa loob ng isang linggo ay walang ganap sa akin, maliban lang ng biyernes ng hapon nang may meeting ako sa La Perfume with the marketing team.

Nag taka ako ng narito rin si ate Yesha kasama si Andrea.

"Andrea decided to leave the industry" sambit ni ate Yesha

Kaya pala nandito sila dahil doon.

"So what are we going to do?" tanong ko kay Herlyn ang head ng marketing team.

"Andi is our main female endorser, may maipapalit ba kay Andrea?" tanong ni Herlyn kay ate Yesha

"Ofcourse. Our team talked about this before we ask for a meeting" sagot ni ate Yesha and she started her presentation.

"We have three choices here, first is Iris, two years na siya sa entertainment namin and madami na ding endorsement" tsaka nya pinakita sa amin ang picture ni Iris

"Next is Alice, kasabay siya ni Andi and almost four years na sa amin, she is a dancer as well" sambit ni ate Yesha

"Last is Abbigail, singer and our new talent"

Our meeting last for an hour, about who will be our new main female endorser.

Binigyan naman kami ni ate Yesha ng time to decide for our new endorser kaya naman nang umuwi ako ay pinanuod ko ang pinasa sa akin ni ate Yesha na video presentation.

I also search for their social media accounts and some information about them.

It took me days to decide, buong weekend ay doon ko tinutok ang oras ko.

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon