Chapter 6

30 4 0
                                    

Madilim na ng matapos ang photoshoot at nag akit si tito Erick mag dinner sa isang resto kasama na din ang mga staffs ng La Perfume at shine entertainment.

"Lienel, buti naman at di mo napapabayaan ang pag aaral mo kahit may business ka" tanong ni direk Rina

"Nandyan naman po si Amanda, siya din po ang laging busy sa La Perfume"

"Well, atleast you are enjoying" then she smiled at me kaya naman ngumiti din ako sa kaniya

"Si Lucas din, halatang nag eenjoy" sambit ni tito kaya nilingon ko ang katabi kong si Lucas

"What?" gulat na tanong nito

"Hindi ka ba nakikinig sa usapan namin Lucas? " tanong ni direk

"Uhmm. Nag eenjoy po ako" sambit niya tsaka ngumiti

"Saan?"

"Ha? Dito sa food"

"Ang ibig ko sabihin Ijo ay nag eenjoy ka sa pag eendorse" sambit ni tito

"Ah, opo" sabay kamot nito sa batok

"Sana pala ay nainvite natin si Yesha ano"

"Sinong Yesha?" pag tanong ni tito kay direk

"Ah, isa siya sa nag hahandle ng shine. She is also a producer"

"Yesha Valderama po, tito" singit ko naman dahil baka makilala niya kapag nasabi ko ang apelyedo

"Ah, baka anak ni Greg" sambit ni tito

"Anak nga ni Greg" sambit naman ni direk kaya lumingon ako sa kanila

"He's our friend. Kasama namin siya lagi ng daddy mo noong nabubuhay pa siya" sambit ni tito at tumango na lang ako

Bigla ko tuloy naalala si daddy. Nakakamiss si dad.

"Are you okay?" napalingon ako ng mag salita si Lucas

"Ah, yeah" then I smiled at him

"You sure? Ngayon ko lang nalaman na wala na ang dad mo"

"Hmm. Hindi kasi tayo close" sarkastikong sambit ko tsaka siya iniwasan ng tingin at inubos ang kinakain

"Hindi talaga tayo mag kakasundong dalawa ano?" muli ay nag salita ito "you know what, nag sign na ako ng contract sa inyo, ako ang magiging endorser niyo, lifetime" dagdag pa nito

"Alam ko"

"Oh, kaya kailangan magkasundo tayo" hindi ako umimik at uminom na lang ng tubig tsaka tumayo

"Punta lang po ako sa restroom" paalam ko tsaka tumalikod sa kanila

"Ang sungit mo talaga!" napatigil ako ng malakas iyong sinabi ni Lucas kaya naman napalingon ako

Mukhang nagulat ang mga tao na kasama namin dahil nanatili silang nakatingin sa aming dalawa. Salitan na tingin ang ginagawa nila

"I'm not"

Tumalikod na ako ulit tsaka nag dere deretso sa restroom.

Problema ba niya? Hindi ko naman siya sinusungitan na. Unlike dati na talagang pag nakikita ko siya e iniiripan ko siya

Pag balik ko ay nag paalam na ang ibang staff kaya naman nag uwian na din kami

"Its kinda late already, safe pa ba umuwi ng naka motor?" tanong ni direk kay Lucas

"Malapit na lang po ang village namin dito"

"Ingat kayo" sambit ni tito

"Ingat po direk" paalam ko sa kaniya tsaka nag beso

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon