Chapter 5

42 5 0
                                    

"We will go na Lienel"

"Ingat po kayo direk" sambit ko tsaka bumeso sa kaniya

"I heard na gagawa ka na din ng new scent. So mag kikita pa ulit tayo" she said

"Opo, I'm looking for a new scent po. Maybe next month marelease ko na po"

"Well, thats good. Tsaka baka maisend ko ito sa kaibigan ko na gumagawa mg ads. Malay mo magawan ng commercial"

"Thank you po direk"

"But hindi si Lucas"

"Ang alin po?"

"Ang nasa commercial. Photoshoot lang kasi talaga ang gusto ni Lucas. Ayaw niya ng commercial"

"Ahh I see" napatango na lang ako

Hinatid ko sila sa labas hanggang sa maka alis sila.

At biglang may tumigil na motor sa harap ko tsaka ito nag tagkal ng suot niyang helmet

"Uwi ka na?"

"Hindi pa" sambit ko tsaka umirap

"Hatid na kita. Antayin kita"

"Tsk. Ayaw ko nga. Minor ka pa lang diba? Bakit nag momotor ka na?" tanong ko

"May students license ako"

"Umuwi ka na lang Lucas"

"Oh!ngayon ko lang narinig na tawagin mo akong Lucas"

"So?" irap ko tsaka siya tinalikuran at pumasok sa shop.

Kita ko pa sa glass wall na sinuot niya ulit ang helmet niya tsaka nag wave sa akin bago umalis.

Napangiwi naman ako sa ginawa niyang iyon

"Close po kayo miss?" nagulat ako ng tanungin ako ng isang staff. Student pa lang din ito.

"Uhmm. Hindi" nakangiting sagot ko

"Pero pinanuod ko po yung shoot niyo kanina. Iba po yung tingin niya sayo. Tapos nung kayo na po ang pinipicture nakangiti po siya nung pinapanuod niya kayo"

"Hindi talaga kami close. Siguro epal lang siya" biro ko.

"Bagay nga po kayo miss"

"Ahhh..." bahagya akong natawa

"Miss Lienel tumawag po yung supplier mo, ipapadala daw po niya yung new scents ng perfume by next week" bigla ay lapit ni Amanda

"Okay, ibigay mo na lang sa akin ang exact date para maicheck ko ang mga bagong scents"

"Hindi ka pa po ba busy sa school mo?" bigla ay tanong niya sa akin

"As of now, hindi pa naman. Pero I can always give time for this" sagot ko ng nakangiti

"Okay po, Email ko na lang po sa inyo schedule niyo"

"Okay, thank you. Mauuna na din ako" sambit ko

"Ingat po"

Nag paalam na din ako sa mga staff at nag pasalamat sa kanila para sa maayos na shoot ngayong araw.

Lumabas na din naman ako ng store at nag hintay ng taxi pauwi sa amin.

"Yuhan" napapitlag ako ng makasalubong ko ito mula sa kusina ng bahay namin

"Hi" bati niya

"Lienel, your tita Mary invited us for dinner" turo niya sa nasa couch kaya nilingon ko iyon.

Hindi ko naman napansin na may tao pala doon dahil derederetso ako sa palalakad kanina

"Hi po" nakangiting bati ko kay tita Mary at ngumiti din ito sa akin.

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon