Chapter 12

21 2 0
                                    

"Kumusta siya?"

"She really needs a rest"

"Bakit ba siya nag kasakit?"

"She over work herself this week para matuloy yung opening niya"

"Tsk, kung alam ko lang, nag volunteer sana ako na tumulong sa school work niya"

Napagilid ang ulo ko tsaka dahan dahan na binuksan ang mata tsaka tiningnan ang nag uusap

"Tasha?" mahinang tawag ko

"Lienel! What the hell. Are you okay?"

"Hmm, I'm fine"

"Do you need something?" napalingon naman ako ng may mag salita sa kabila ko

"No" I smiled

Akala ko si Lucas ang narito... si Raige pala

"Water? You want water? Fruit? Or any food"

"Okay lang ako Atasha"

"Ano ka ba naman Lienel, pwedeng pwede mong imove ang opening ng bagong branch mo"

"Pero sayang yung trabaho nila"

"Then sana sinabi mo sa akin, para natulungan kita"

"Baka marami kang gawa, tsaka okay naman na ako"

"Tsk. Mag pagaling ka ha" sambit nito

"Raige, nasaan si mommy?" baling ko kay Raige

"May trabaho pa, wala naman akong pasok kaya ako na nag stay dito"

"Kaya ko naman na, pasensya sa abala"

"Sana man lang tinanong kita kung kaya mo"

"Okay lang, pero salamat din pala sa pag alalay sakin"

"Nag-alala sayo si Lucas" bigla ay sambit ni Raige "Kita ko sa mata niya kahapon na sobra siyang nag-alala sayo"

"Ah..." hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nga ilang araw na kaming hindi ganoong nag uusap

"Nagulat nga ako sa kaniya e, gustong siya na ang mag drive kahapon" natatawang sambit nito

Kahapon pa pala iyon opening, akala ko ay ilang oras lang akong nakatulog

"What do you mean?"

"Lienel, kumain ka muna" abot ni Atasha ng mansanas sa akin na siya namang kinuha ko.

Naupo ako sa kama tsaka kumagat sa mansanas.

"Kaya ko naman na, pwede naman na siguro akong umuwi" sambit ko

"Bukas ka pa pwedeng madischarge" sambit ni Raige

Nag alala si Lucas? Pero nasaan siya? Nasa trabaho? Kasama si Andrea?

Aaminin ko, napapalapit na ang loob ko kay Lucas kahit na sandali pa lang kaming nag kakilala.

Pero tama ba? Tama ba yung nararamdaman ko ngayon? Tama ba na dumistansya ako sa kaniya dahil nagiging malapit siya kay Andrea?

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay nawawala ang ngiti ko sa labi.

Wala namang espesyal sa kaniya, pero para bang... nag seselos ako?

Pero bakit? Bakit ako nakakaramdam ng ganoon? Eh hindi naman ganoong kaming kalapit sa isa't isa.

Tsk. Siguro nasanay lang ako na ako ang isang babaeng katrabaho niya. Oo... ganoon nga... siguro...

Dahan dahan akong napatingin sa kaibigan kong si Atasha

"Kamusta pala si Lucas at Andrea?" pag tatanong ko

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon