Chapter 19

16 1 0
                                    

Naguguluhan pa din ako sa pag babago ng trato ni Lucas sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya nitong nakaraang araw at bigla siyang naging straight to the point sa akin.

I wanted to know why he suddenly felt that. Courting me? I don't even know if he likes me or what.

Napailing akong pumasok sa unit ko tsaka bumagsak sa sofa.

Maya maya naman ay tumawag sa akin si Amanda para ibigay ang plano sa debut ko. Ayaw ko man mag celebrate ng engrandeng birthday party dahil wala dito ang kapatid ko pero hindi ako makatanggi dahil pwede din siyang maging promotion ng business ko.

Nang tingnan ko ang plan ay nagustuhan ko din naman. Its an outside party pero formal pa din.

I also checked my debut gown at hindi ko maipag kakaila na maganda iyon.

White and gold ang gown kaya mukhang eleganteng tingnan.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng tiningnan ko ang list for eighteen roses. Bigla kong naalala si daddy.

Kung sana ay buhay siya, isa siya sa naka lista rito.

Maya maya ay tumawag ulit sa akin si Amanda.

"Miss, si sir Raige po ang escort niyo. Pero kung gusto po ninyong palitan ay pwede naman po"

"Pwede namang walang escort right?" tanong ko dahil ayaw ko ng ganoon.

"Pwede po Miss. I'll inform the event organizer"

I said okay and I hang up the call.

Sa mismong araw ng birthday ko ay virtual kaming nag celebrate ng kambal ko. Nagulat pa ako sa face time namin dahil naroon si Acxel sa Bohol.

Madaming kaming pinag usapan at kumakain kami ng sabay ni Khloe kahit nasa Bohol siya at nasa Manila ako. Nag out door party sila doon at nang gabi na ay nag paalam si Khloe para sa quality time nila ni Acxel na hinayaan ko naman.

Hindi ko napansin ang oras at nakatulog na ako. Nagising ako tawag ni Amanda.

"Miss, nandito na po kami sa hotel. Nag hihintay na din po ang glam team niyo" bungad nito sa akin.

Napatingin ako sa orasan at napansing malapit na mag lunch kaya bumangon ako.

"I'll go there after I take a bath" sambit ko.

Nagpaalam ako tsaka binaba ang tawag.

I forgot that today will be the debut party kaya naman naligo na ako.

Hindi na din ako nag abala na kumain at kinuha ko naman ang mga gamit ko sa kwarto tsaka lumabas ng condo.

Napatigil ako sa paglabas ng building ng sumalubong sa akin ang isang lalake na naka white shirt, black pants at white sneakers. Naka sun glasses pa ito kaya tinitingnan tuloy siya ng mga tao.

"Why are you here?" kaswal na tanong ko.

"Tito Erick asked me to pick you up" he said in a husky voice.

Looks likes he needs sleep.

Tumango ako rito at sumunod sa kaniya palabas ng building.

"Kagagaling mo lang ba sa trabaho?" tanong ko.

"No. Nakauwi na ako. Late lang natapos photo shoot namin kagabi" sagot ni Lucas sa akin.

Hindi na ako muling umimik at pumasok na ako sa sasakyan.

When he entered the car inalis niya ang sun glasses niya.

"What happened to your eyes?" tanong ko ng mapansing medyo namamaga ito. Mukhang kulang talaga sa tulog.

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon