Chapter 17

9 1 0
                                    

Nagising ako sa pag tama ng sikat ng araw sa aking mukha kaya naman bumangon ako para sumilip sa aking bintana.

I wish I could stay here forever, iyong sariwang hangin ang malalanghap ko tuwing umaga at magandang tanawin ang nakikita.

Binuksan ko ang bubog na bintana para maramdaman ko ang hangin.

Narinig ko ang tugtugan mula sa garden namin kaya naman dumeretso ako sa banyo para makapag hilamos at toothbrush.

Pag baba ko sa sala ay maingay na dahil narito ang mga nag luluto para sa handaan mamaya.

"Good morning po" sambit ko at bahagyang napa atras ng may pinasok na letson.

"Good morning, Khlea!" napalingon ako ng lumabas si tita Ria sa guest room, siya ang may gustong tumawag sa akin ng Khlea, because it sounds powerful daw.

"Tita" lapit ko sa kaniya tsaka yumakap "Anong oras po kayo dumating?"

"Kanina, bago mag liwanag" sagot nya "You know what Khlea, akala ko ikaw si Khloe kanina. You really look a like" sambit nito

"Yeah, where is she?"

"Ang sabi nya samin kanina, pupunta siya doon kay, ano nga ulit pangalan noon, Erick?" lingon niya sa tito ko na naka tayo ngayon sa tabi niya

"Kay ate Annie, naroon daw kasi yung regalo niya kay tita Lety" sagot nya

"Nasaan nga pala si Lola?" tanong ko

"Ay nako, naroon sa labas. Gustong maki usisa doon sa mga nag dedecorate" singit ni mommy ng pumasok siya sa bahay "Mag breakfast ka na pala" dagdag niya at tumango naman ako.

Nag paalam na din muna ako kay tita Ria at tito Erick tsaka dumeretso sa kusina.

Nang matapos akong kumain ay dinala ko sa likod ng bahay ang hugasin dahil naroon ang taga hugas na naka assign.

"Hey Lienel"

Napatigil ako sa pag lalakad ng isang pamilyar na boses ang narinig ko at agad ko iyong nilingon.

Bahagya ding napanganga ang bibig ko sa nakita ko tsaka ako tumingin sa kambal ko na may pag tataka.

Sobrang inosente ng kapatid ko na tipong kumakaway pa siya sa akin habang naka ngiti, habang ako ay takang taka bakit nandito siya.

"A-acxel?" hanggang ngayon ay tulala pa din ako at hindi maalis ang tingin sa kaniya "Why are you here? Ah I mean..."

"She invited me, since I want to go here"

"Wait wait wait. Naguguluhan ako, so you two know each other?" tanong ko habang sinasalitan ang pag turo sa kanilang dalawa.

Napailing na lang ako ng sabay silang tumango sa akin na may kasamang malapad na ngiti.

"Siya yung tinutukoy ko sa'yo, Lienel"

"Siya yung suitor mo?" nabigla ako sa sinabi niya

"Shhh! Ingay mo, di pa alam ni mommy"

"Then why did you invite him kung hindi pala alam ni mommy?"

"Sinabi ko naman kay mommy na may bisita ako"

"And I'm here to formally ask for her permission" singit ni Acxel

"Wait, so you know na kambal niya ako?" tanong ko

"Yes, at first akala ko, ikaw siya. But then sabi ko may iba sa kaniya, hindi niya ako kilala when we met"

"How about you? Alam mong kilala ko siya?"

"Yes, sinabi niya sa akin bago ko pa malaman na yung kambal niya e brand ambassador mo pala"

"Bakit di mo sa akin sinabi na si Acxel?"

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon