Chapter 4

39 5 0
                                    

"Lienel, do you want to go out this weekend?" tanong ni Atasha.

Nakita niya lang ako dito sa cafeteria kaya lumapit siya sa akin at sabay kaming kumain

"Where?"

"Sa mall lang. Dali na"

Sa halos isang buwan kong pag aaral dito sa CFU, close ko na si Atasha. Siya ang madalas kong kasama at palagi din naman siyang lumalapit sa akin.

"Eh..."

"Pleaseeee. Ngayon lang kita aayain gumala oh"

"Sige na nga" sambit ko

"Yun!"

"Atasha may I ask? Bakit lagi mo akong nilalapitan?" walang ano ano ay tanong ko sa kaniya

"Bawal?" she sarcasticaslly said "joke"

Tumawa siya kaya natawa din ako.

"Wala lang. Ewan ba. Parang gustong gusto kita maka close" sambit nito sa akin kaya tumango ako

"I see"

"Wala ka bang class ngayon?" tanong nito at napatingin ako sa wrist watch ko

"Maya maya pa"

"Hays. May klase na ako. Mauuna na ako ha" sambit nito tsaka tumayo

"Sige" kumaway ito sa akin tsaka ako sa kaniya kumaway bago ito umalis.

Tumingin na lang ako sa paligid. Tahimik dito at wala halos tao. Maganda ang tanawin dahil maraming halaman ay may iilang ibon at butterflies.

Napakunot saglit ang noo ko ng may naramdaman akong naka titig sa akin. Normal lang naman iyon diba? Yung maramdaman mong may naka titig sa iyo?

Pasimple kong binaling ang paningin ko sa iilang tao dito pero wala namang nakatingin. Napailing ako ng hindi pa rin nawawala sa pakiramdam ko na may naka tingin sa akin kaya naman tumayo na lang ako para umalis.

Pero laking gulat ko ng makita ko si Lucas na nasa labas ng garden. Nakatingin sa gawi ko, hindi ko din mabasa ang emosyon nito.

Hindi ko ito pinansin tsaka nag patuloy sa pag lalakad ngunit napatigil ako ng humarang siya sa dadaanan ko

"Ikaw may ari ng La perfume?" napatingin ako sa kaniya ng tanungin niya ako

"Yeah" kaswal na sagot ko

"At your age? May business ka na?" ang kaninang walang emosyon na lalake ay ngumiti na may halong hanga

"Yeah. Imposible ba?" sarkastikong tanong ko at narinig ko ang bahagyang pag tawa niya.

"Hindi naman lalo na kung masipag talaga. Pero ako kasi napili ng mommy mo para sa photoshoot at maging endorser ng product mo"

Nagulat ako sa sinabi nito kaya napatingin ako sa kaniya.

Bakit siya? Ang dami daming pwedeng kunin. Bakit siya?

Napaiwas ako ng tingin ng titigan niya ako sa mata tsaka huminga ng malalim at mataray siyang binalikan ng tingin

"So?"

"So?" He mocked kaya umirap ako

"That means, makakasama kita sa labas ng school?" maangas na sambit nito tsaka sumandal sa pader

"I don't think so" irap kong muli

"Alangan namang wala ang manager at may ari ng La perfume sa photoshoot ng products niya"

Hindi ko siya pinansin at nag lakad na ako.

"See you next week" he shouted kaya may iilang tao na tumingin sa amin.

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon