Chapter 13

30 2 2
                                    

"Hindi ko dapat to nararamdaman, Atasha. Hindi ako dapat makaramdam ng selos..." sambit ko tsaka nahiga sa kama

"Bakit naman?"

"Dahil wala namang dapat ikaselos"

"Dahil walang namamagitan sa inyo?" tanong nito at tumingin sa akin tsaka ako agad na tumango

"Valid yan, kung may nararamdaman ka sa kaniya"

"Thats it! Wala akong nararamdaman sa kaniya, kaya dapat hindi ako nakakaramdam ng selos" sambit ko tsaka naupo para makaharap sa kaniya

"Ang tanong, bakit ka nakakaramdam ng selos kung wala kang nararamdaman para kay Lucas?"

"I don't know..." napayuko na lamang ako "maybe, nasanay lang ako na ako lang ang babaeng katrabaho niya" humina na ang boses ko.

"Mag pahinga ka muna" sambit ni Atasha tsaka ngumiti

Tumango ako sa kaniya bago siya lumabas ng kwarto. Nahiga naman ako sa kama tsaka napatingin sa kisame.

Pumasok sa isip ko na hindi dapat ako makaramdam ng selos, hindi dapat ako nakakaramdam ng sakit.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nang magising ako ay napatingin ako sa cellphone para tingnan ang oras.

Maaga pa, alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Napalingon naman ako sa gilid ko. Katabi ko na si Atasha habang si Andrea ay nasa kabilang kama.

Bumangon ako tsaka lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina.

"Goodmorning"

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may mag salita mula sa sala. Nilingon ko naman ito at tumambad sa akin ang mukhang bagong gising din na si Lucas.

"Hmm... goodmorning" iyon lamang ang sinabi ko tsaka dumeretso sa kusina.

Naramdaman ko ang pag sunod nito sa akin pero hindi ko na lang pinansin at kumuha ng tubig.

Napalingon na lang ako ng marinig ko ang pag bukas ng gas stove at pag lagay ng kawali roon.

"Maalam ka mag luto?" tanong ko at naupo sa harap ng mesa

"Hmm. Kapag napunta ako kila Tasha ako ang nag luluto ng food namin" sagot nito at tumango lang ako.

Matagal kaming natahimik at tanging ang pag luluto niya lang ang naririnig ko o di kaya ang pag gagayat ng mga sangkap.

Gustuhin ko man siyang lingunin ay iniiwasan ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" walang emosyong tanong nito

Napainom akong muli sa baso at napalunok.

"No, why would I?" sambit ko ng hindi siya nililingon

"Nothing..."

Muli na namang naging tahimik ang buong kusina.

"Want to help?" tanong nito at napalingon ako sa kaniya

Wala akong sinagot at tumango lamang dito. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko tsaka lumapit sa kaniya.

"Anong gagawin ko?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya

"Can you slice this?" tanong nito ng inalis ang spam sa lata

Tumango lang ako sa kaniya tsaka kinuha ang kutsilyo pati ang chopping board sa kaniya.

Hindi naman siya umimik at tumalikod sa akin para tingnan ang niluluto nitong bacon.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko dahil napansin kong may laman na ang rice cooker sa gilid

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon