Chapter 7

29 4 0
                                    

"Kaninong sasakyan yun?" tanong agad ni mommy na kalalabas lang ng bahay

"Lucas" maikling sagot ko naman

"Really? So you two are close?"

Napakunot ang noo ko ng makita ang kinang sa mata ni mommy

"No" iling ko tsaka pumasok sa bahay

"Why don't you try to be close to him?"

"Mom? Una si Yuhan, ngayon si Lucas naman?" iritang sambit ko tsaka umakyat sa kwarto ko.

Nahiga ako saglit sa kama tsaka tumitig sa kisame. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, samantalang wala naman ako halos ginawa.

Nakaidlip ako saglit at nagising ng marinig ang katok ni mommy sa kwarto.

"Dinner na" iyon lang ang sinabi niya. Malamang ay umalis din iyon.

Tumayo naman ako sa higaan ko tsaka lumabas at pumunta sa kusina

"Nakausap ko ang tito Erick mo tungkol sa last photo shoot tsaka dinner niyo" sambit ni mommy, pero imbis na mag salita ay nanahimik na lang ako.

"Hindi daw kayo ganoong nag uusap ni Lucas"

"Hindi naman kami close"

"Pero kah---" naputol ang sinabi ni mommy ng mag ring ang cellphone nito kaya lumayo ito sa akin.

Naisip ko tuloy, kung sino bang kausap niya at lumayo pa siya.

Pag balik niya ay tumingin pa ito sa akin at hindi na nag salita kaya naman pinag patuloy ko na lang ang pagkain ko.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nag linis ng kusina dahil may gagawin pa daw si mommy.

Umakyat na din ako sa kwarto ko at naligo tsaka nag patuyo ng buhok at gumawa ng ilang homeworks bago matulog.

Kinabukasan ay hindi ko alam, pero parang ang aliwalas ng mood ko. Hindi ko alam, pero parang ang gaan ng pakiramdam ko kaya magaan din ang pakitungo ko kay mommy.

Wala naman talaga akong galit sa kaniya, except sa gusto niya lagi akong mapalapit sa anak ng mga business partner niya o mga kaibigan niya.

Hinatid pa nga ako ni mommy ngayon sa school, hindi ko alam. May dadaanan din naman daw kasi siya malapit sa CFU.

"Lienel!" napalingon ako ng may tumawag sa akin.

Nakita ko si Lucas papalapit sa akin habang naka sakbat sa isang balikat ang itim na bag at may hawak na libro sa isang kamay.

"Naiwan mo daw to sa bahay nila Atasha kahapon" napatingin ako ng inabot niya sa akin ang paper bag

"Huh?" nag tatakang tanong ko dahil wala naman akong dalang paper bag kahapon.

Nagkibit balikat lang si Lucas sa akin "pinabibigay lang ni Atasha"

Inabot ko na lang ang paper bag tsaka tiningnan ang laman nito.

"But this is not mine"

"What? Sabi ni Atasha sayo"

"I don't use scarf" nakangiting sambit ko

"Ah, baka akala ni Atasha sayo" sambit nito tsaka kinuha muli ang paper bag sa akin

"Hmm. Una na ako" sambit ko tsaka siya tinalikuran at nag simulang mag lakad

"Wait! Lienel"

"Yes?" tigil ko at lumingon ako sa kaniya

"Uhm..." napakamot pa siya sa batok niya "nothing"

Securing My AssetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon