~ MAGKABILANG MUNDO

26 8 2
                                    


A spoken from the story : ' I CREATED YOU' ( FRS#01)

'MAGKABILANG MUNDO'

Isang 'di ko kilalang tao na hindi ko inaasahang makakapasok sa mundo ko. Sa mundo kong sinuman ay walang nakapasok kailanman. Ang taong 'di ko kilala noon ay sobrang mahal ko na ngayon.

Bigla kang dumating nang hindi ko inaasahan, dumating sa oras ng akong kasakitan. Nagkakilala't naging magkaibigan, hanggang sa ika'y akin ng nakasanayan.

Sayang umaapaw at kilig na nangingibabaw, ikaw ang nagbigay sa akin ng ilaw. Sa mundo kong noon ay walang kabuhay-buhay. Ikaw ang nagbigay ng kulay.

Sa mga oras na kasama at kausap ka tila wala ng hihigit pa, parang lahat ng bagay saki'y naglalaho't nagbabago na parang ikaw at ako ay may sariling mundo.

Sinira at winasak mo ang balakid na ginawa ko sa puso ko. Hindi ko inakala na ika'y makakalagpas at ngayon alam kong iba nato't wala na'kong takas.

Sayang naramdaman ang 'di ko inakala, saya, kilig, tuwa't makasama kay sapat na. Ngunit pagmamahal na bawal ang sayo'y nadarama't nakita. Sakit at pighating posibleng mangyari ay hindi alintana.

Mahal kita at ayokong mawala ka, kung pwede ganito na lang sana, na saki'y manatili't wag ng mawala pa.

Hindi ko hawak ang desisyon at buhay mo, kahit 'di natin ito gusto, di mo man sinasadya, wala na tayong magagawa.Mangyayari na ang dapat at itinakda.

Kung pwede lang sana na wag kang mawala,
kung pwede lang sana na saki'y manatili ka pa.

kung pwede lang sana na baguhin ang nakatakda,
kung pwede lang sana na isulat muli ang mga tala.

Pansamantalang kaligayahan, kapalit ng walang hangang kasakitan. Pansamantalang kilig kapalit ng unti-unting pagkawasak ng aking daigdig.

Kung ang paglapit sayo ay kapalit ng habang buhay na pagdurusa ko, gagawin ko! Susugal ako! Alang-alang sayo.

Aalis ka, iiwan mo ako at 'di ko alam ang gagawin ko. Masakit pero kakayanin ko dahil ito ang totoo. Tatanggapin ko na hindi kana babalik pa at sa akin ika'y tuluyan ng mawawala. Na tayo'y pinagtagpo pero di tayo tinadhana.

' Di dahil sa hindi kita mahal kondi dahil sa mahigpit lang talagang pinagbabawal. Hindi dahil sa 'di kita gusto, kondi dahil sa magka-iba lang talaga ang ginagalawan nating
mundo...

Langit ka, lupa ako,

Araw ka, Gabi ako,

Apoy ka, Tubig ako,

Liwanag ka, Dilim ako ,

Sa lahat ng bagay ay magkasalungat tayo.

Sana bigyan ulit tayo ng pagkakataon na balang araw magkita't magkasama tayong muli gaya ng noon. Kung saan nasa nararapat na ang dapat, saba'y nating paghihilumin yong sugat.
At sa mga tala, "ANG PAG-IBIG NATIN AY MULING MAISUSULAT".

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeWhere stories live. Discover now