~HIRAM NA SANDALI

58 31 1
                                    

𝙳𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘: Demon_Shaneyy

" HIRAM NA SANDALI "

Nang lumubog ang araw sa kanluran at lumaganap ang dilim sa kalangitan. Noong bumuhos ang napakalakas na ulan, ang saki'y palatandaan ng pangyayaring nagdulot sa akin ng sakit na patuloy ko pa ring nararamdaman.

Lumalalim na ang gabi ngunit ikaw pa rin ang naiisip ko palagi. Pilit na nilalabanan ang unos ng nakaraan, agos ng nararamdaman, ala-alang lumunod at tumangay sa akin ng tuluyan.

Sa pagtulog ang panaginip ay ikaw.
Sa panaginip ikaw pa rin ang lumilitaw.
Sa pagising pangalan mo pa rin ang pumupukaw.
Sa lahat ng aking galaw ay ikaw at ikaw pa rin ang sinisigaw.

Sa lahat ng kilos na pinapakita ko, sa laki ng ngiting nakikita ng ibang tao—ngiting pwedeng mapaniwala ang kahit sino ngunit hindi! Hindi kayang lokohin ang sarili ko.

Sinubukan kong habulin ang mundo, nagbabakasakaling pwede pang huminto ang oras—ang oras na magkasama tayong pareho. Ngunit bigo ako! Tumaya ako sa isang larong 'di sigurado, sa kasamaang palad ay hindi ako nanalo, natalo ako't di naipanalo.

Minuto, segundo at sa paglipas ng oras, larawan ng mga ala-ala mo saki'y wala pa ring kakupas-kupas. Saya't pinapakitang ngiti ay taliwas sa sakit at pangungulila na sayo'y akin pa ring dinaranas.

Sinubukan kong tumakbo papalayo sayo, naghanap ng sulok para lang magtago. Iniisip na baka magtagumpay at maging malaya sa kahapon ng dating tayo ngunit hindi—nagkamali ako sa kadahilanang kahit ilang beses man akong sumubok na lumayo, hinihila't bumabagsak pa rin ako pabalik sayo. At habang buhay na makukulong sa kulungan ng mga ala-ala ko sayo, mahal ko.

Alam kong hindi na tama ang hamunin pa ang tadhana. Dahil wala na akong magagawa, hindi ko na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa. Malayang tumulo ang aking mga luha dahil bigla ka nalang nawala at sa akin ika'y tuluyan ng kinuha.

Gustuhin ko mang ibalik ang dati ay hindi na maaari. Humiling man na makasama ka kahit sa hiram na sandali. Pilit na tinanggap ang katotohanang hindi tayo pwedi't maaari kang mabawi. Na hiram lang kita't hindi pag-aari.

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeWhere stories live. Discover now