~PAGBIBILANG

44 27 5
                                    

Dedicated to : bbmaekatha

" PAGBIBILANG "
Paulit-ulit na nasasaktan, paulit-ulit na nahihirapan. Ilang beses ng nadapa, iniwan at nangulila. Nagtatanong kung ano ba ang aking magagawa upang maiwasan ang sakit at pagluha?

Sa mga sakit na aking pinagdaanan, sa sandaang pangyayari na aking naranasan, unti-unti kong naisip ang mga bagay na dapat isaalang-alang. Mga bagay na makakamit sa simpleng pagbibilang.

Isa, dalawa, tatlo hanggang sa ikasampung numero... kaakibat ng pagbibilang ko ay ang mga bagay na sa pakikipagrelasyon ay dapat
tandaan mo.

Isa, ang pagmamahal sa sarili ang dapat mauna. Matutunong 'wag ibuhos ang lahat sa kaniya ng sa ganon ay kapag may mangyaring hindi maganda, sayo ay may matira.

Pangalawa, ang pagkakaroon ng tiwala. Tiwalang sa kahit anong tibag ay hindi mawawala. Sunod nito ang pangatlo, kung saan dapat marunong ka'ng sa isa ay makuntento. Na sa kahit anong ibabatong temptasyon ay malalabanan mo't hindi matutukso.

Sa pagtungtong ng ikaapat ay kailangan mong maging tapat. Kasabay dito ang ikalima kung saan naroon dapat ang oras at suporta lalo na sa pagkakataong kailangan ang iyong presensiya.

Apoy at tubig, sala sa init sala sa lamig, elementong taglay ng ika-anim, sa pag-aaway ay hindi dapat kinikimkim.

Pito, walo... magkadugtong na numero na sa pagmamahal ay mahalaga ang respeto. Dugtong ng pakikipagrelasyon sa Diyos ay dapat nakasentro.

Malawak na pang-iintindi at pag-uusap lalo na kapag may agam-agam, mga katangian na taglay ng ika-siyam.

At dapat ang pag-iintindi ang siyang magtatakip sa panghuli.

Sa pagtatapos, kailangang ang sampung numero ay iyong makabisado. Nang sa puso'y hindi makalimutan at 'di tuluyang masarado.

Isang natatanging susi lang ang makapagbubukas nito.'Yon ay ang mga bagay na nasa sampung numero at taglay ng taong nagmamahal ng tunay at totoo.

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon