~ MANIOBRA

20 6 1
                                    

" MANIOBRA "

Nagpipinta, iginuguhit sa isip ang napakagandang maniobra.

Maniobrang ang isip ang gumawa at puso ang nagsalita.
Larawang kailanma'y sa puso ng tao'y nakakahalina.
Nagbibigay mensahe't nakapagpapaalala.

Maniobrang sa likod ay may nakatagong istorya, istoryang sa puso'y inukit at hindi na mawala-wala pa.

Buhay na 'sing puti ng plinadong papel, simple't manipis, puro at malinis. Pagbabago'y naging labis nang nagsimulang gumuhit ang lapis. Gamit ang panukat, ala-alang malalim ang pilit hinalungkat. Kumpas ng sakit at pagkakamali'y pilit binura, ngunit kahit anong pilit burahin ay wala ng magagawa pa... nang tuluyan na itong nag-iwan ng kakaibang marka.

Maniobrang walang buhay! Inakala kong ganoon na lang ang magiging kahihinatnan ng minsan kong pagkasablay. Ngunit sa 'di inaasahang sandali'y dumating ka't may ibinigay, pintang may iba't-ibang kulay na sa pusong napagod ay nagbigay ulit ng buhay.

Sa mga oras na nagdaan, sa pagpili ng mga gagamiting kulay ako'y iyong sinabayan. Sabay na hinaluan ng saya, kilig, at kabaliwan ang maniobrang inakala ko'y magiging maganda ang kalalabasan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bigla akong kinutuba't hindi na makapante. Nang mapansing ang upuan sa'king tabi ay tuluyan na uling naging bakante.

Bakit bigla kang tumakbo sa mismong araw na pinag-usapan nating pareho? Sa araw na magpipinta tayong pareho, Mahal ko. Iniwan mo akong nag-iisa at walang kaalam-alam sa kulay na aking ipipinta.

Itim, puti, at abo, hindi ko na alam ang pipiliin ko. Dahil sa ginawa mo ay naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung matatapos ko pa ba ito?

Sinubukan kong piliin ang kulay na puti, tanda ng minsan kong buhay na malinaw at puro. Sa kalauna'y hinaluan ko ng kaunting itim, at tuluyan ng ngang ang kulay ay nagbago't naging abo. Abo na nagsilbing simbolo na sa buhay minsa'y walang sigurado. At itim na naging tanda na sa buhay hindi natin maiiwasan ang masaktan at mabigo. Kulay na minsang pinagdaanan ko—noong minahal ko ang tulad mo.

Pilit kong niyayakap ang katotohanan na sa buhay ng tao'y may mga kulay na nakalaan. Mga kulay na sumisimbolo ng nararamdaman at minsang nagpapahiwatig ng ating magiging kapalaran.

Kasabay ng sakit at pagkabigo ay tuluyan ko na nga itong pinaghalo-halo. Ilang beses pang natapon at nagkamali ako pero ang hindi ko inaasahan na makakabuo ako ng isang napakagandang abstrak sa dulo.

Dahil dito ay natutunan ko na kahit gaano kasimple ang gawa ko, kapag puso ang naglimbag at lumikha nito, magsisilbing magandang maniobra pa rin ito sa mata ng mga tao.

Maniobrang nabuo sa pagkabigo ko.

Maniobrang binuo ng minsa'y dalawang tao— dalawang tao na di tinadhana pero minsang pinagtagpo.

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeWhere stories live. Discover now