~AKALA

68 61 0
                                    

𝙳𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘 : GwynMaligoMacapia

" AKALA "

Nakatulala sa kawalan, tinitiis ang sakit na paulit-ulit ko pa ring nararamdaman. Pilit na sinasagot ang lahat ng katanungan.

Bakit tayo humantong sa ganito?

Bakit nangyari ang lahat ng ito?

Bakit binitiwan mo ako at iniwang mag-isa sa dulo?

Noong panahong nagkamali ako ay mag-isa kong binuo ulit ang sarili ko. Mga panahon kung saan pumasok ka sa buhay ko't tuluyan na nga akong nabago.

Akala ko magtutuloy-tuloy na ang lahat ng ito ngunit hindi, nagkamali ako—nagkamali ako sa kadahilanang iiwanan mo rin pala ako sa dulo.

Bakit nangyari sa atin ito?

Sa lahat ng bagay ay pilit kitang iniintindi mahal ko, kahit minsan pagod na ako o kahit na minsa'y nararamdaman ko na ang lamig mo ay binalewala ko pa rin ang lahat ng ito para sayo. Pero bakit naging ganito?Paano tayo humantong dito?

Saan ako nagkamali, mahal ko?
Saan ako nagkulang sayo?
Bakit 'di mo man lang makita ang halaga at sakripisyo ko?

Mahal kita pero di ko na kaya.

Mahal kita pero wala na akong magagawa.

Mahal kita pero bumitaw kana.

Mahal kita pero kailangan ko ng itigil pa.

Akala ko kasi ikaw na.

Akala ko iba ka gaya ng sinasabi nila.

Akala ko sabay tayong bubuo ng mga masasayang ala-ala, ngunit hindi pala...

Sa lahat ng iyon ni isa walang tumama, na sa lahat pala ng iyon ay isang malaking AKALA.

Iniisip ko ngayon kung tama nga bang maging masaya akong nakilala kita. Sana ang pangyayaring ito'y hindi na mauulit pa. Sa pagdating sana ng araw na magmamahal ka ulit ay handa kana—handa ka ng panindigan ang binitiwan mo saki'y minsang bigong siyam na letra. Iyon ay ang mga letrang...

M A H A L K I T A

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeWhere stories live. Discover now