~PANSAMANTALANG DAUNGAN

6 1 0
                                    


"PANSAMANTALANG DAUNGAN"

Hindi ko alam kung paano ito mag-isang sisimulan, kung paano ipagpapatuloy at kung anong kahahantungan. Pero kailangan kong subukan. Ang konsepto ng 'ikaw at ako' ay kailangan ko ng bitawan. Iniisip nalang na ang lahat ng sakit ay may magandang patutunguhan at may sapat na dahilan.

Sa lugar kung saan nag-aagaw ang liwanag at kadiliman. Sa gitna ng katahimikan ako'y nakatayo at pinakikinggan ang tunog ng kapayapaan, na dulot ng alon sa dalampasigan na minsa'y akin ng dinaunangan.

Ako'y namangha, natutong sumaya at nagtiwala—sa nakakabighani mong presensya ako'y nayaya. Sa hindi inaasahan, presensya mo'y dumating ng biglaan. Nagbabakasakaling sa paglalakbay ko, ako'y maaari mong samahan.

Sa gitna ng paglalakbay, tila ba ang puso ko'y nabubuhay sa tuwing nag-uusap tayo sa mga kwento ng ating mga buhay. Inakala ko noong una mababagot ka sa sakayan na aking dala-dala dahil puro alon at ulap lang ang iyong makikita. Pero mali pala!

Pareho tayong naging masaya pansamantala, ang kakaibang kislap ay hindi ko sukat akalaing makikita ko sa iyong mga mata. Nagbabago ang ritmo ng puso ko sa tuwing ika'y nagsasalita. Ang 'huling hantungan' ay inakalang sayo ko na matatamasa.

Masaya na tayo...
Kaso naging komplikado nang mapag-alaman kong ikaw na rin ay nagugulo—naglalaban ang isip at puso. Sa paghampas ng along malakas, pareho nating naiwala ang kumpas.

Hindi ba dapat maging masaya ako? Tayo? Sa katotohanang pareho pala tayong sa isa't-isa ay may gusto? Ngunit bakit tila ganito?
Bigla akong kinabahan ng todo. Hindi ko inaasahang posible rin pala akong matakot sa katotohanang matatanggap ko. Na ang konsepto ng 'ikaw at ako' ay malabo.

Ikaw ang luha na tinanggap ko ng malaya.
Ikaw ang sakit na pilit kong tiniis dahil ayokong mawala.
Ikaw ang dahilan kung bakit natuto ulit akong magpaubaya...

Sinubukan kong pigilan na maulit muli ang minsan ko ng sakit na pinagdaanan sa una kong hinintuan. Pareho ng nararamdaman— pareho na ring kailangan kalimutan. Dahil sa'yo ang mundo'y may ibang inilaan.

Kailangan ko ng tanggapin ang totoo na itinadhana kang destinasyon para sa ibang tao. At kailangan ko ng lumisan mula sayo dahil sa katotohanang isa ka lang din palang pansamantalang daungan sa nilalakbay kong mundo.


@siprinxesa


A/N: Please do follow and interact with me on my social media accounts, kamahalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ShespokeWhere stories live. Discover now