~PATAGO

105 76 5
                                    

A spoken from the story : My Living Miracle

𝙳𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘: Naira_gurL

" PATAGO "

Nalilito, sa apat na sulok ng aming kwarto ako'y gulong-gulo. Nakaupo't pilit na pinapatigil ang labanang namamagitan sa isip at puso.

Nakatulala, tinatanong kung bakit ako nagkakaganito?

Tadhanang mapaglaro, bakit ako ang napagtripan mo? Bakit hinayaan mo akong mahulog sa isang tao?

Bakit sa taong KAIBIGAN ko pa mismo?

Hindi ko alam kung saan nagsimula, kailan nagsimula at kung papano rin ito mawawala? 'Di matukoy na nararamdaman ang sayo'y nakita. Pero isa lang ang sa aki'y sigurado, ito'y malalim pa sa simpleng paghanga.

Normal pa ba na nami-miss kita kapag wala ka? Hinahanap ang iyong presensya sa tuwing hindi kita makita? At maiinis kapag may nagugustuhan kang iba?

Ewan ko ba pero sa bawat araw na dumaraan--sa bawat araw na kasama ka'y mas nakikilala kita ng tuluyan at kusang sumasabay ang paglalim ng aking nararamdaman. Sa bawat pagtama ng ating mga mata ay parang may kuryenteng dumadaloy bigla.

Ngunit KAIBIGAN..

Isang simpleng kaibigan mo lang ako. Kaibigan na nagsisilbing unan sa mga problema mo. Pansamantalang panyo upang patahanin ang luha mo. Pansamantalang libro sa lahat ng pahinang nangyayari araw-araw sa buhay mo ay pinakikinggan ko.

Kaibigang tinatakbuhan mo sa tuwing kailangan mo, sa tuwing nag-aaway kayo ng jowa mo at pwedeng iwanan agad sa tuwing nagkaka-ayos na kayo.

Masakit isipin na siya ang mahal mo.
Masakit makita na magkasama kayong pareho. Mahirap tanggapin na kaibigan lang talaga ako para sayo at mukhang ganoon lang talaga ang parte ko sa kwento. At ang mas mahirap pa ay ang magselos kung malinaw na wala akong karapatan sayo kasi WALANG TAYO...

ISIP O DAMDAMIN?
Sino ba ang dapat kong piliin?

Isip ba na pinipigilang sayo'y sabihin ang aking damdamin o puso na sinasabing sayo ako'y tuluyan ng umamin? Makasarili bang isipin na mas pipiliin kong itago nalang ang aking damdamin nang sa iyo'y manatili't umaasang matupad balang araw ang aking hangarin?

Hindi ko mapigilang umasa na sana balang araw ako'y mapapansin mo,na malaman mong ikaw ay matagal ko ng ginugusto. Ngunit sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay ko. Asahan mong wala akong gagawin na ikakasakit mo. Wala pa ring magbabago.

Maghihintay nalang ako kahit ikakasakit ko pa ito. Mananatili sa tabi mo, sa bawat hakbang ng buhay mo, KAIBIGANG MINAMAHAL KO NG PATAGO.

@siprinxesa

A/N: If you like this entry please don't forget to vote, comment, and share these works of mine. Tysm poets!

ShespokeWhere stories live. Discover now