Chapter 38: Someone like you (Part 1)

1.3M 36.4K 3.1K
                                    

Jaycee's Point of View


MAAGA AKONG NAGISING para maghanda ng almusal. Nakasanayan ko na to lalo na no'ng dumating sa buhay namin si Marion.

Pagkatapos kong magluto, napadaan ako sa hallway kung saan narinig ko ang boses ni Jeydon. Nagtaka kung anong ginagawa niya dito samantalang nasa kabilang dulo 'yong kwarto nila ni Candice. Hindi ko na naiwasan na mapakinggan ang sinasabi niya.

"Dr. Song, papunta na po ako diyan sa hospital."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hospital? Bakit siya pupunta sa hospital? Ang pagkakaalam ko next week pa ang appointment niya para paa niya. At isa pa, neurosurgeon si Dr. Song. Hindi kaya tungkol 'yon sa brain tumor niya? Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan.

"Hindi ko akalain na sasakit na naman ang ulo ko ng ganito. Pakiramdam ko bumalik ang sakit ko." Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. "Aalis na po ako."

Tiningnan ko si Jeydon at nag mamadali na siyang umalis. Sinundan ko agad siya dahil gusto kong malaman kung anong kalagayan niya. Hindi ako mapakali simula no'ng marinig ko na sumakit ulit ang ulo niya.

Hindi pwedeng bumalik ang tumor niya dahil kung gano'n nga maaring cancerous 'yon at puwede niya iyon ikamatay. Hindi siya pwedeng mamatay.

Pinauna ko lang si Jeydon para hindi niya malaman na sinusundan ko siya. Alam kong ayaw niyang ipaalam sa 'kin to. Dumiretso ako sa hospital nila Dr. Song. Palihim ko pa rin siyang sinundan pero bago siya makapasok sa loob ay hinawakan ko ang braso niya.

"Jeydon!" sigaw ko.

"Ate?!" gulat niyang tanong. Akala mo nakakita siya ng multo. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Jeydon, bakit hindi mo sinabi to kay Candice?" tanong ko.

"Ate, alam mong ayokong mag-alala si Candice lalo na ngayong buntis siya kaya please, sa 'ting dalawa na lang muna 'to. Isa pa, hindi pa ako sigurado sa totoong kalagayan ko," seryoso niyang sabi. Sabagay may punto siya do'n. Pagbibigyan ko siya, mas makakabuti nga kung hindi 'to malalaman ni Candice. "Hintayin muna natin ang resulta," dagdag pa niya.

Sabay namin hinarap si Dr. Song. Naghintay lang ako sa bench sa labas habang ginagawa ni Jeydon ang mga exams na kailangan niya. Nagtext na lang ako kay Troy at Candice na may pinuntahan lang kami ni Jeydon.

Habang tumatagal, mas lalo akong nag-aalala. Hindi pwedeng mamatay si Jeydon, hindi niya pwedeng iwan si Candice at ang magiging anak niya. Kung ako man ang mamatay, ayos lang dahil alam kong may mag-aalaga pa rin sa anak ko at kay Troy. Isa pa hindi na rin mahihirapan pa si Troy. Magiging malaya na siya.

Tinawag ako ni Jeydon para pumasok sa loob ng clinic ni Dr. Song.

"Based on our exams, you're okay, Jeydon. It's nothing serious for now." Nakahinga ako dahil sa sinabi niya. At least, hindi malala ang sitwasyon niya. "But as what I've said, kung papabayaan mo ang sarili mo, maaring bumalik ang tumor mo at baka tuluyan na itong maging cancerous."

"Kahit ano gagawin ko, kahit magpa-opera ako o kahit uminom ako ng gamot basta gumaling ako," determinadong sabi ni Jeydon.

"Jeydon, all you have to do is avoid stress. I suggest you stay home and don't go to work until everything is all good."

"I can't do that. I need to go to work. Kailangan kong buhayin ang pamilya ko." Hinawakan ko ang braso niya at tiningnan ko siya. "Ate, paano sila Candice?"

"We have money, you don't need to work," sambit ko.

"Ayokong umasa sa pera ni Dad, I want to use my own money for my own family. Damn it," frustrated niyang sabi. "How can I be so weak?"

"Ang isipin mo gumaling ka kasi mas lalo kang walang magagawa kung may sakit ka o worst case, you'll die."

"Jaycee is right. Magpagaling ka muna nang tuluyan dahil 'yon ang mas makakabuti para sa 'yo," paalala ni Dr. Song.

Bumalik na kami sa mansion. Ramdam ko ang pag-aalala ni Jeydon. Hindi na kasi siya 'yong dating Jeydon na umaasa lang sa magulang namin. He already knows how to be independent and how to be a good husband and father. Alam ko na as much as possible, ayaw niyang papasukin pa sa trabaho si Candice at gusto niyang gamitin ang sarili niyang pera para sa sarili at pamilya niya.

"Don't think about it. Sabi nga ni Dr. Song, avoid stress. Andito lang ako Jeydon," paalala ko sa kaniya habang papasok kami sa mansion.

"Thank you, Ate. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

Sa puntong 'yon natigilan ako sandali. Paano nga kaya kung mawala na ako? Paano na si Jeydon? Sila Mom at Dad? Si Jayshin? Si Troy at ang anak kong si Marion? Naisip ko na sana wala na lang akong sakit. Sana matagal pa akong mabuhay para sa mga taong mahal ko.

"Saan kayo galing?" bungad agad sa 'min ni Candice. "Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Jeydon. Napatingin sa 'kin si Jeydon pero ngumiti lang ako para sabihing 'wag siyang mag-alala.

"Babe, saan kayo galing ni Jeydon?" tanong naman sa 'kin ni Troy. "Kanina ka pa hinahanap ni Marion."

"Sorry, may pinuntahan lang kami ni Jeydon. Masarap ba 'yong luto ko?" masaya kong tanong.

Walang ibang nakaalam ng sitwasyon ni Jeydon kung hindi ako lang. Mas makakabuti kung hindi na lang muna namin sabihin 'yon dahil sa maselan na kalagayan ni Candice. Ilang buwan na lang naman lalabas na ang baby niya.

Buong araw naglaro si Troy at Marion kaya pareho silang nakatulog nang maaga. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Hindi ko naiwasan na maiyak. Hindi ko kayang iwan sila. Gusto ko nasa tabi lang nila akong dalawa.

Tumayo agad ako ng tumunog ang cellphone ni Troy. Sinagot ko agad ang tawag niya dahil ayokong magising ang mag ama ko.

"Hello, Troy, tungkol pala sa mga damit ng guests, tapos na ako. Puwede ba tayong magkita ngayon para ma-approve mo na?" tanong ni Tiffany.

"Tulog na siya, Tiffany." Sandali siyang natahimik. Nagulat ata siya na ako 'yong sumagot ng phone.

"Sorry, sige tatawag na lang ulit ako bukas," sagot niya.

"Puwede bang ako na lang tumingin niyan? Gusto rin kasi kitang makausap eh." Mas tumagal ang pananahimik ni Tiffany. "If that's okay with you?"

"Yeah, sure. I'm here at Song's coffee shop."

Nagdrive ako papunta sa coffee shop. Matagal ko na ring gustong makausap si Tiffany, pero hindi lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob.

Lakas ng loob para tanggapin ang katotohanan.

"Jaycee!" tawag ni Tiffany ng makapasok ako sa loob. "Here!"

Umupo ako sa table niya. Hindi ko na naiwasan na mapatitig sa kaniya. Mas gumanda siya kaysa sa huli kong kita sa kaniya. Umorder ako ng malaking cappuccino.

"Kamusta?" tanong ko. Aaminin ko may awkwardness pa rin pero mas komportable na ako ngayon kaysa dati. "Salamat pala kasi tinanggap mo 'yong alok namin para gawin 'yong mga damit sa birthday ni Marion."

"Okay lang, wala naman sa 'kin 'yon eh," sagot niya. "Eto pala siya o, sabihin mo kung okay na or may babaguhin ka pa." Hinarap niya sa 'kin 'yong laptop niya para makita ko ng maayos 'yong nga designs niya.

Honestly, everything was good. Wala akong masabi sa talento ni Tiffany in terms of fashion. Kung mas maaga ko lang siya nakilala, baka ngayon business partners pa kami. Pwedeng puwede kong i-benta sa clothing shop ko 'yong mga designs niya.

"Wala na akong babaguhin. Maganda sa 'kin lahat kaya I think no need for Troy's approval. Alam ko naman na magugustuhan din niya 'to."

"Salamat, Jaycee. Sige, I'll have it ready tomorrow," sagot niya. Dama ko din ang awkwardness na nararamdaman ni Tiffany. "Tungkol saan pala 'yong pag-uusapan natin?" tanong niya.

It's time for her to know the truth.

Matagal ko nang gustong sabihin pero pinigilan ako ng pagiging makasarili ko. Alam ko na karapatan niyang malaman ang totoo. Palagi na lang akong iniisip ni Troy kaya ngayon, siya naman ang iisipin ko.

"It's about Troy."


The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon