Chapter 44: Rest in Peace.

1.8M 39.7K 13K
                                    

Tiffany's Point of View

SOBRANG BILIS NG tibok ng puso ko. Wala na akong ibang maisip kung hindi ang tumakbo ng tumakbo. Hindi ko na sinubukan na lumingon pa sa kaniya dahil natatakot ako na baka kapag ginawa ko 'yon, maabutan niya ako. Hinawakan ko na lang ang dibdib ko habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Para na akong mauubusan ng hininga, ng lakas. Parang ilang taon na akong tumatakbo palayo sa kaniya. Nakakapagod at parang gusto ko nang matapos na ang lahat. Parang gusto ko na lang tumigil sa pagtakbo pero gusto ko ng makalayo sa kaniya, I want to escape him as much as I can. I want to get away from him as far as I can.

"Tiffany!" sigaw niya. Pinikit ko ang mata ko at patuloy lang ako sa pagtakbo. "Tiffany, please!" pagmamakaawa pa niya.

Tama na! sigaw ko sa isip ko.

Huminto ako at nilingon ko siya pero katulad ng kinakatakot ko, hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa isang bangin. Akala ko mamamatay na ako, pero may humawak sa kamay ko. Pumatak na lang bigla ang luha ko no'ng makita ko ang mukha niya na nakatingin sa akin, alalang alala na baka mahulog ako at mamatay.

"Why.. why do you keep haunting me? Bakit, Troy?" Kusa kong binitawan ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero ayaw niya pa rin akong pakawalan. "Just let me go, let me move on, just let me live again."

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko ang mga luha sa mata ko na unti-unting bumagsak.

"Tiffany!" sigaw niya. "Tiffany!"

"Just let me go!" sigaw ko.

"Tiffany, gising!" sigaw niya at naimulat ko na bang tuluyan ang mata ko. "Tiffany, okay ka lang ba, ha?" nag-aalalang tanong ni Ate Stacey.

Isa lang pa lang panaginip ang lahat ng 'yon, isang bangungot na palagi kong napapanaginipan at palagi kong tinatakasan.

"Napanaginipan mo na naman ba siya?" Hindi ako nakasagot. Lumapit sa 'kin si Ate at niyakap ko siya nang mahigpit habang umiiyak ako. "Tahan na. Nandito lang kami para sa 'yo. You'll get over it. Magiging maayos din ang lahat, okay?"

"Ate, bakit gano'n? Until now, I still love him. Nahihirapan na ako eh. It's been ages pero nandito pa rin ako, stuck sa kaniya." Umiyak lang ako sa balikat ni Ate habang yakap yakap ko siya. "Bakit siya kayang kayang niyang mag-move on nang gano'n kadali at kabilis? Gano'n ba ako kadaling kalimutan? Ate, gusto ko na siyang kalimutan!"

"'Wag mong sabihin na gusto mo na siyang kalimutan kasi magkaiba ang moving on sa paglimot. Hindi 'yong memories n'yo 'yong aalisin mo sa buhay mo kung hindi 'yong feelings mo para sa kaniya," pagdidiin niya. "Okay lang na iyakan mo siya pero huwag na huwag ka ng babalik pa sa kaniya dahil kung hindi ka niya nagawang mahalin ng tama sa unang pagkakataon, hindi niya rin 'yon magagawa sa susunod."

"Ate, ang hirap eh, paano ko aalisin 'yong nararamdaman ko para sa kaniya kung palagi kong naaalala 'yong mga nangyari sa 'min dati? Kung palagi pa rin siyang pumapasok sa isip at puso ko?" Inilagay ko sa mukha ko ang kamay ko at doon ako umiyak nang umiyak. "Naiinis ako sa sarili ko kasi patuloy ko pa rin siyang naiisip kahit na sa simula pa lang alam kong wala na siya at wala na akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang mag-move on."

Niyakap ako nang mahigpit ni Ate. "Kahit paulit ulit mong panoorin ang isang pelikula hindi mo na mababago 'yong ending. Kapag tapos na, tapos na. Ayon na 'yon." Hinarap niya ako sa kaniya at pinahid niya lahat ng luha sa mata ko. "Don't just move on. Move forward."

"Kaya ko ba Ate? Kaya ko ba talaga?"

"Kaya mong mag0move on. Oo kaya mo, pero hindi porke sinabi mo, magagawa mo. Gawin mo. Mag-move on ka at 'wag ka nang magtanong pa kung paano at kung kaya mo ba kasi kung gusto mo talaga, magagawa mo," seryoso niyang sabi. "Tiffany, hindi nakakaganda ang pagiging tanga, tandaan mo 'yan. In short, 'wag kang tanga."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon