Chapter 39: Someone like you (Part 2)

1.3M 38.7K 12.4K
                                    

Tiffany's Point of View


BIGLA NA LANG bumilis ang tibok ng puso ko no'ng marinig ko ang pangalan niya galing mismo sa bibig ni Jaycee. Para bang napakaseryoso ng pag-uusapan namin tungkol sa kaniya. Hindi ko napigilang tanungin ang sarili ko, ano bang pag uusapan namin tungkol sa kaniya? May nangyari ba ka Troy? May nagawa ba akong masama? Kinakabahan ako.

"I need to tell you something about him, about me and about us."

"Is this something important?" Hindi niya agad ako sinagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Uminom siya ng kape ang huminga ng malalim. "Jaycee?"

"All along, we've been lying to you and to ourselves," sambit niya. "Alam ko, hindi na dapat natin 'to pag-usapan pa pero karapatan mo na malaman ang katotohanan at ayoko na rin lokohin ang sarili ko." Pakiramdam ko gusto na niyang maiyak. "Hindi ko na kayang makita si Troy na nasasaktan nang ganito."

"Jaycee, ano bang nangyayari?" nag-aalala kong tanong. "Hindi kita maintindihan."

"Sa tagal ng pagsasama namin ni Troy, wala na akong ibang mahiling pa sa kaniya. He was the perfect husband for me and a loving father to our son. Kahit kailan, hindi siya gumawa ng bagay na ikamasama ng loob ko at kahit kailan hindi niya tinuring na iba si Marion kahit na hindi niya 'to tunay na anak. What else could I wish for? I have everything." Habang tumatagal, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan papunta tong pag-uusap namin pero ngayon pa lang parang ayoko ng marinig pa ang susunod niyang sasabihin. "But that 'everything' is just full of lies and selfishness."

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" diretso kong tanong. "Puwede bang deretsuhin mo na ako?"

"Akala niya mahal niya ako kasi ako 'yong nandiyan no'ng iniwan mo siya, ako 'yong sumalo sa kaniya no'ng nag-iisa siya. Kaso akala lang niya 'yon, Tiffany. Akala niya mahal niya ako, pero hindi, kasi ang totoo, hindi niya talaga ako mahal." Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko. Parang hindi ko kayang ipasok sa utak ko lahat ng sinasabi ni Jaycee. Gulong gulo na ako. Gusto ko na lang tumayo at maglakad palayo at umuwi. "The truth is, he still loves you. Troy still loves you, Tiffany."

Literal akong natigilan. Hindi ko maigalaw ang kahit na ano sa katawan ko. Parang may kung anong tumama sa akin. Isang matulis na bagay na tumagos sa puso ko.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Jaycee?" Nilapit niya ang kamay niya at hinawakan niya ang kamay ko habang patuloy pa rin siyang nakatingin sa mata ko.

"Pagkatapos n'yong maghiwalay, ako 'yong nanatili sa tabi niya. Tinulungan ko siyang kalimutan ka. Tinulungan ko siyang bumangin ulit at patunayan ang sarili niya sa Dad niya. After six months, nakuha na niya 'yong gusto niya. Napatunayan na niya ng tuluyan 'yong sarili niya sa Dad niya at para sa kaniya, nakalimutan ka na niya ng tuluyan. Kaya binuksan niya muli ang puso niya sa 'kin. Minahal niya ako, oo, pero I know deep inside it's still you—"

Pinigilan ko na siyang magsalita. Alam ko na kung saan to pupunta.

"Hindi mo na kailangang sabihin pa 'yan. Tapos na ang lahat sa aminm" paliwanag ko. "Ibabalik lang niyan 'yong masasakit na alaala na matagal ko nang binaon sa limot. So please. You have him now and I think it's enough." Inayos ko ang gamit ko. Nag-decide na akong tapusin ang pag-uusap namin. "I need to go."

"You don't understand."

"Anong bang hindi ko maintindihan sa asawa ka na niya at nakaraan na lang ang sa amin?"

"Asawa lang ako sa papel, pero hindi niya talaga ako mahal. Tiffany, just listen to me."

Hindi ko siya pinakinggan. Naglakad na ako palayo, pero pinigilan na naman niya ako.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon